HOROSCOPE, JULY 21, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JULY 21, 2014

Madam Sophia |July 21,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, JULY 21, 2014

Madam Sophia - July 21, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, isa alang-alang din ang pagsisimba bilang pasalamat sa iyong kaarawan.  Sa ganyang paraan, tuluy-tuloy ang pasok ng suwerte sa iyong buhay.  Mapalad ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang magmayabang! Kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging “low profile”. Sa pag-ibig, ‘wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang magtanim ng  sama ng loob. Mapalad ang 9, 18, 21, 28,  42 at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sikaping maglimos sa nangangailangan upang lalo pang sumagana ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, mag isip ng isang bagay na magpapaligaya sa kasuyo upang lalo pang uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Mabilis na pagpapasya ang kailangan! May oportunidad na darating sa pangingibang bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, ‘wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi  naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suhestiyon ng kasuyo, upang maiwasan ang palagiang pangungutang. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—‘Wag patulan ang kasamahang atrabida at mataray, sisirain lang niya ang araw mo. Mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan.  Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka nya. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Isang nilalang na kayumangi at kulot ang buhok ang dapat iwasan upang hindi mapahamak ang love life. Sa pinansiyal, kung sakali mang magkaroon ng hindi masayang love life, ang kapalit naman nito ay malaking tagumpay sa career. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansiyal, magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa – wag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya madalas mag-selos. Mamayang gabi, romansahin mo siya upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Walang ibang maasahan upang umunlad at umangat ang kabuhayan ng inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at  maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Gagantimplaan ka ng Maykapal dahil sa pagiging matulungin. Kusang madadagdagan ang kita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Cancer. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal at pag-ibig, sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga at upang habang buhay kang lumigaya. Sa pag-ibig mag mahal ka lang ng magmahal hanggang sa matalisod mo ang iyong ka-soul mate. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel-Om.” Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Panahon na upang mamasyal, pero planuhin ito nangmakaiwas sa aberya at pagkabalam.  Isama ang pamilya.  Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Red  at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending