Halos 13 years nang nasa korte, waley pa rin…
Bakit nga kaya naunahan pa ni Kris?
HALOS 14 years na ang kasal ni Amy Perez sa estranged husband nitong si Brix Ferraris, at 14 years old na rin ang kanilang anak na si Adi.
Thirteen years ago nang isampa ang annulment case ng dalawa pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong resulta dahil sa napakabagal na proseso ng korte natin.
Nakakaloka dahil lahat na lang ng puwedeng idahilan ay nagamit na yata ni Amy para lamang gumalaw ang kaso pero wala pa ring nangyayari.
Napakalaki na rin ng nagagastos niya sa kasong ito – her hard-earned money from way back – nu’ng panahong hindi naman siya halos kumikita talaga ay naubos na pero ano ang nangyari? Wala!
Nakakagulat lang dahil na-publicize na ang pagka-annul ng kasal ng presidential sister na si Kris Aquino kay James Yap na hindi pa yata umabot ng isa’t kalahating taon pero natapos agad samantalang itong kay Amy Perez na kitang-kita namang hinog na hinog na sa mga ebidensiya (abandonment at psychological incapacity sa parte ng lalaki) ay deadma pa rin ng korte.
Ano ba talaga ang laro sa hustisyang ito sa bansa natin? Para kanino lang ba ang batas – sa mga gods and almighty? Porke kapatid ng presidente mabilis – pag ordinaryong tao, waley?
“Baka natakot ang judge na may hawak sa kaso ni Kris na kapag hindi tinapos agad ang case ay matulad siya kay CJ Corona?
Parang ganoon na kasi ang image ni P-Noy e.
Kaya hayun, minadali na yung annulment ni Kris,” anang isang nakausap namin.
“Hindi tuloy ako makapagplano ng buhay ko kasi nga, hanggang ngayon ay naka-float kami ni Carlo.
Matagal na naming gustong magpakasal pero hindi namin magawa dahil nga sa annulment case namin ni Brix.
Imagine, 13 years na kaming hindi nagkikita at wala talagang komunikasyon dahil sa kung saang lupalop na siya ng mundo nakatira pero hindi pa rin gumagalaw ang kaso namin.
Nagpalit-palit na ako ng lawyers at kung anu-ano pa, umabot na yata ako sa Supreme Court pero wala pa rin.
“Nakakaloka ang batas natin kung minsan, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naaawa na tuloy ako sa aming mag-ina. Hindi kami makapagplano nang mabuti para sa buhay namin,” ani Amy na sobrang affected sa kanilang annulment case.
May nakapagsabi sa akin na nakasaad daw sa batas on annulment na kapag wala nang komunikasyon ang isang couple for four years, that person who abandons his partner is considered dead.
Something to that effect. In Amy’s case, since naka-13 years na silang walang komunikasyon, parang triple dead na ito pero ano ang nangyayari?
Deadma pa rin sila. Pero itong kay Kris, balitang even before the annulment case was approved, nakapaghatian na sila ni James Yap ng kanilang conjugal properties. Galing naman.
Lumalabas na assured na assured sila sa resulta ng annulment kaya naibigay na raw ni Kris ang parte ni James that amounted to 35 or 45 million pesos ba iyon? How true? Wow! Sweet naman of our justice system! Kawawa naman ang mga ordinaryong Pinoy like us.
When you’re not malakas pala sa politics, para ka lang tae kung paghintaying damputin.
Sensiya ka na Amy, hintayin mo na lang na maging presidente si Adi para makagawa rin siya ng batas para sa inyong mag-ina.
Malay natin, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.