INIHAYAG kahapon ng bagong abogado ni Deniece Cornejo na nagtangkang magpakamatay ang kanyang kliyente sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso gamit ang isang blade.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Salvador Panelo na nasa ligtas nang kalagayan si Cornejo matapos ang tangkang pagkitil ng buhay sa kanyang piitan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.
Idinagdag ni Panelo na dismayado si Cornejo matapos na ibasura ng Taguig City Prosecutor’s office ang ikalawang kasong rape na inihain niya laban sa komedyante at host na si Vhong Navarro.
Nangyari umano ang rape noong Enero 17, 2014.
Nauna nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang unang kaso ng rape na inihain ni Cornejo laban kay Navarro na nangyari umano noong Enero 22, 2014.
“Deniece slashed her wrist (yesterday) morning… She is still in shock,” sabi ni Panelo sa isang bahagi ng kanyang ipinalabas na pahayag.
Idinagdag ni Panelo na nasasaktan ang kanyang kliyente dahil siya ang biktima rito at hindi si Navarro.
Magkaiba naman ang pahayag nina Panelo at ng lolo ni Cornejo na si Rod Cornejo matapos sabihin ng huli na nag-ukit lamang si Deniece ng letrang “WR” na sumisimbulo sa “women’s right.
Samantala, iginiit ng Criminal Investigation and Detection Group na hindi umano sa pulso nagsugat si Cornejo kundi sa braso.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.