HOROSCOPE July 14, 2014 | Bandera

HOROSCOPE July 14, 2014

Madam Sophia - July 14, 2014 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes ngayon at patuloy na bumibilog ang buwan sa langit. Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 5, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— ‘Wag kang pumalaot sa gawaing pang-lipunan kung hindi ka rin naman kikita. Usually ang mga social gatherings ay nagiging daan lang ng pagkaka-gastusan. Sa pag-ibig hindi magagalit ang kasuyo kung titipirin mo siya paminsan-minsan. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45.  Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kung talagang mahal mo ang  kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganon din sa pag-unlad, kahit na hindi masaya as long na ang ginagawa mo ay para sa pagpa parami ng pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Blue at beige ang buenas.  Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay ng suwerte.
Gemini – (May 21-June 21)— Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay ng suwerte. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ka ng malaking kayamanan. Sa pag-ibig habang naglalakbay matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi laging masagana ang buhay! Kaya simulan na ang Operation Malawakang Pagtitipid. Sa pag-ibig, habang nagseselos ka sa kasuyo lalo naman siyang napapamahal sayo. Mapalad ang 2, 7, 25, 37, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— ‘Wag  magreklamo. Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mauto mo siyang muli at muling ibigay sa iyo ang matagal mo ng ninanais sa kanya. Mapalad ang 1, 13, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo pang magdagdagan ang income. Sa pag-ibig, kunwari mas magaling sayo ang iyong kasuyo, kahit hindi naman upang mapalapit ng husto ang loob nya sayo. Mapalad ang 5, 14, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Kumilos ka na ngayon! Kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus- Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting pera ang mga taong tumutulong sa iyo upang lalo kang pagpalain ni Lord.  Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pananalapi, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya.  Mapalad ang 9, 12, 27, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is  aching.” Beige at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa mamayang gabi. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad- Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at diskarteng prak tikalidad ang paganahin, upang lumigaya at magtagumpay.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mama halin. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending