Persian ang bagong BF ni Cristine: Basta iba siya sa lahat! | Bandera

Persian ang bagong BF ni Cristine: Basta iba siya sa lahat!

Ervin Santiago - July 12, 2014 - 03:00 AM


WALANG balikang nangyari sa pagitan ng ex-couple na sina Cristine Reyes at Derek Ramsay. Kumalat kasi ang chika na niligawan muli ng hunk actor ang sister ni Ara Mina pero pareho itong idinenay ng dalawa.

Sa presscon ng bagong pelikula ng Viva Films, ang “Trophy Wife” na pinagbibidahan nina Derek, Cristine, Heart Evangelista at John Estrada, sabay na nagsabi ang dating magdyowa na imposible nang magkaroon ng part two ang kanilang short romance.

“Nagkaroon na kami ng pag-uusap ni Derek last time. Okay naman kami sa napagdesisyunan namin,” sey ni Cristine. Bukod dito, inamin din ng aktres na meron na siyang idine-date na non-showbiz guy.

Dito na tinanong ng press si Cristine kung pwede bang tawaging “trophy boyfriend” ang idine-date niya ngayon, “Siguro oo, kung ‘yon ang definition niyo. Pero wala pang title.

Ayaw kong sabihin na boyfriend ko siya. Ayaw ko muna magsalita. Right now, exclusively dating.”  Bukod sa sinabi ni Cristine na isang Persian guy ang nanliligaw ngayon sa kanya, ay wala na itong ibinigay na detalye tungkol sa lalaki, “Basta iba, siya dahil nakita ko na iba siya sa lahat.

He has a lot of wisdom and maraming bagay na natututunan ko sa kanya. Siguro kasi he’s out of the business, so nakikita ko sa kanya na, ‘A, this is life pala.’”

Pahabol pa nito, “Huwag niyo na pong abalahin [na alamin] kung sino siya, kasi ayaw ko na rin po siyang maabala.”  Sa tanong kung handa na ba siya na makita ang kanyang “lifetime partner” aniya, “Siyempre, naiisip ko na rin ‘yon.

“Kasi, 25 na ako, self-made na rin. I guess, papunta na rin doon. Sa ngayon, happy na ako, kuntento na ako kung ano’ng meron ako ngayon. I guess, ano na lang ako, I’m working for myself. Hindi na ako naghahangad ng kahit ano pa.”

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending