Di yayaman sa gov't (2) | Bandera

Di yayaman sa gov’t (2)

Joseph Greenfield - July 08, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Delfin,  ng San Remigio, Antique
Problema:
1.      Bagaman hindi pinadapa ang kabuhayan ko ng bagyong Yolanda, biktima rin ako.  Sa kapirasong lupa na sarili ko na ay nagtatanim ako ng sari-sari cash crops, lalo na ang walang kamatayang kamote.  Anim na taon na akong hindi nadadagdagan ang suweldo sa gobyerno at naiiwan sa “abot” ng politiko dahil hindi ako kaalyado.  Ganyan ang kalakaran dito.
2. Sa tuwing suweldo, na madalas mabalam, ay naaawa na ako sa sarili ko.  Minsan dumarating ang mahigpit na pangangailangan o emergency.  Nakakaisip na ako ng masama pero napiligilan ng pagiging Katoliko ko.  Bubuhayin ni misis ang kanyang babuyan sa lote ng nanay  niya, pero wala kaming puhunan.  Yayaman ba kami sa negosyo at sariling sikap? January 15, 1964 ang birthday ko.
Umaasa,
Delfin, ng San Remigio, Antique
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag nag-resign ka at ipinagpatuloy ang inyong business na may kaugnayan sa paghahayupan at dagdagan mo pa ng paghahalaman,  tiyak ang magaganap – sa ganyang larangan ka yayaman.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, kumuha ka ng tauhan o kasama na may birth date na  5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhan o kasamang nabanggit ang lalong magpapayaman sayo.
Luscher Color Test:
Gumamit ka ng kulay na pula at berde bilang opisyal na kulay ng iyonbg negosyo at makikita mo, mas mabilis na lalago ang inyong kabuhayan.
Huling Payo at Paalala:
Delfin, ayon sa iyong kapalaran nasa tamang daan ka. Tama lang na mag-resign ka sa pagsusundalo, dahil baka yan pa ang ikamatay mo, at pagkatapos paunlarin mo na lang ang kasalukuyan nyong negosyong babuyan, at dagdagan mo pa ng bakahan, at mga paghahalaman. Sa ganyang paraan, mga five years from now, kung sa taon ding ito ay sisimulan mo na ang iyong balak, tulad ng nasabi na, lilipas ang limang taon,  mayamang-mayaman ka na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending