Galaw ng Numero: 3 at 8 ang mahiwaga | Bandera

Galaw ng Numero: 3 at 8 ang mahiwaga

|January 30,2012
facebook
share this

Galaw ng Numero: 3 at 8 ang mahiwaga

- January 30, 2012 - 03:49 PM

Dear David,
NAIS ko ring magkaroon ng mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.

Isa akong taxi driver pero maliit lang ang kita ko.

May dalawa akong anak na nag-aaral.

Nangungupahan lang kami ng bahay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.

Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970.

Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
JOWIE NG CEBU CITY

Dear Jowie,
MASARAP kang magmahal kasi’y taglay mo ang mahiwagang No.3.

Ibibigay mo ang lahat para sa kaligayahan ng iyong minamahal.

May kakayahan kang magsakripisyo  para sa kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay.

Ang tulad mo ang nare-recruit na suicide bomber.

Ganyan din ang susi sa iyong pagtatagumpay, kapag nagpursige ka para sa kapakanan ng mahal mo sa buhay, walang duda na maaabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay.

Kailangang maging inspirado ka palagi upang makamit mo ang katuparan ng iyong mga pangarap. Taglay mo rin ang mahiwagang No.8 na nagbibigay sa iyo ng mga kalungkutan.

Konsentrasyon at malinaw na plano sa buhay ang susi sa iyong pagtatagumpay.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2013 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan at pagkakaroon ng sariling bahay.

Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa mga season goods.

Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 6, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes.

Kulay asul at itim ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 3 at No. 8 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-5-11-18-23-34-36-40-42.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ASSET tips: 2-6-7/ 5-2-6/ 7-6-1. Wiretips: 2-5-8/ 7-2-9/2-5-7. Double  digit: 5-9/ 4-0/ 9-3. Luzon     guide:  2-6-11-18-23-25-34-36-40-42. VisMin: 1-4-11-18-23-25-34-40-42. MegaLotto: 1-4-11-17-22-27-34-40-42. Grand Lotto: 4-8-11-18-23-25-34-38-40-45-49-50-54.  Four Number: 2-1-3-6/ 7-2-2-1/ 7-2-5-1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending