PULGAS ng aso, kuto sa ulo, bulate sa dumi, iisa lang ang ibig sabihin ng mga ito – parasitism.
Ito ay nangangahulugan na ang isang orgnismo (parasite) ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsipsip ng sustansya na galing sa kanyang tinitirahan (host). Hindi pantay (symbiotic) ang relasyon ng dalawa dahil one-way lang ang nangyayari: Ang parasite lang ang nakikinabang habang ang host ay nawawalan ng enerhiya. Pwede pa itong lumala pa at ikamatay pa ng host.
Ang unang dahilan sa pagsama ng kalusugan ng “host” ay ang pagbaba ng nutrisyon. Inaagaw kasi ng parasite ang kinakain ng host.
Walang pakialam ang parasite sa kapakanan ng kanyang host, basta ang sa kanya ay mabusog siya. Kaya nga ang mga pulgas, kuto at mga bulate ay matataba at ang kanilang “host” ang siyang namamayat.
Kadalasan ay “infectious organisms” ang mga parasite. Ibig sabihin maaring makahawa at mahawa. Isang halimbawa nito ay ang “Schistosomiasis”. Nakakasira ito sa maraming organs sa katawan gaya ng atay, utak, bituka at baga. Ang “malarial parasite” ay siya namang laging kinatatakutan dahil posibleng mamatay ang maysakit nito.
Sa ngayon, ang mga mikrobyo ay tinatagurian na mga parasite na rin, virus man o bacteria.
Sa kabilang dako naman ay maaring “infestation” lamang at ang katawan ng “host” ay hindi masyadong natatalo ng parasite maliban lamang sa pagkain ng sustansya nito. Habang ang bulate ay namamasyal sa loob ng katawan, maari itong magdulot ng pagbabara sa pamamagitan ng pagsuot nito sa anumang daluyan gaya ng bituka, “biliary tract” at kung minsan ay lumalabas pa ang “roundworm” sa ilong at bibig. Eew!
Maaaring ikamatay pa ito kung pati ang daluyan ng hangin (respiratory tract) ay magbara.
May parasites na nakatira sa “lymphatic system” kung kaya’t kapag nag-bara ang mga kulane, namamaga ang mga parte ng katawan na apektado. Sa “Elephanthiasis”, ang “filarial worms” ay naiipon sa mga kulane ng giitan ng hita, dahilan ng pamamaga ng binti na kasing hugis ng elepante.
Paano na lang ang tinatawag na “social parasite”? Magandang topic iyan dib a? Iyan ang tatalakayin natin sa isang lingo. Kasi hindi lang “infection” at “infestation” ang dala nito kundi ang “psycho-social dimension” ng parasitism.
Inaanyayahan ko kayo na makinig sa “Radyo Mediko” sa Radyo Inquirer 990am DZIQ araw-araw mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi. Abangan din araw-araw dito sa Bandera ang Barangay Kalusugan na sasagot naman sa lahat ng inyong mga katanungan. Maari kayong mag-text sa 09999868606 at i-text ang HEAL, pangalan, edad, lugar at mensahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.