One on One with Gary David | Bandera

One on One with Gary David

- January 28, 2012 - 03:28 PM

SI Gary David, ang kasalukuyang leading scorer ng PBA, ang pinakamatinding dahilan kung bakit lumalaban sa PBA Philippine Cup Finals ang Powerade. Sa kanyang pangunguna ay natakasan ng Powerade ang mga mas pinapaborang koponang B-Meg sa quarterfinals at Rain or Shine sa semis. At sa Finals nga ay nadedehado na naman ang mga Tigers laban sa nagdedepensang kampeong Tropang Texters. Maisalba kaya ni Gary D ang Powerade kontra Talk ‘N Text? Nakapanayam ni Bandera correspondent Eric Dimzon si Gary D at narito ang kanyang sinabi.

Ano ang pakiramdam mo na umabot sa finals ng all-Filipino conference ang Powerade?
Siyempre, masaya ako na part ako ng Powerade sa una nitong finals appearance. This is my second time to be in the finals. Masaya talaga ako.

Bakit sobrang ganda nang nilalaro mo lately?
Siguro pag ginagawa mo ang dapat mong gawin sa paglalaro pati na sa dedication at practice, pagpapalain ka.

Eto na siguro ang bunga nang lahat ng ginagawa kong pagpupursige.

At siguro, dahil na rin sa materyales na nandito sa amin ngayon.

May tiwala kami sa isa’t-isa. At ang pinakamahalagang nangyari sa Powerade eh ‘yung enjoyment sa paglalaro para sa Powerade. Kahit talo, lumalabas pa rin ang buong team for dinner.

Kumbaga ‘yung pagkakaibigan at enjoyment sa isa’t-isa nandito.

Walang angasan. ‘Yung motivation at dedication ng bawat isa sa team, di matatawaran. Kaya siguro maganda ang nilalaro ng buong team at nakarating kami sa finals.

Sa Game One, kitang-kita ang higpit ng pagbabantay sa iyo ng Talk ‘N Text. Paano mo ito malulusutan?
Siguro, unang-una kong dapat matutunan kung paano i-handle ‘yung pressure na binibigay sa akin. Player ako at matagal na rin naglalaro.

Alam ko na ‘yung dedepensahan ako. Alam kong kailangan kong mag-adjust. At sa coaching staff, may adjustment din silang hinanda para tulungan akong makapuntos.

Sobrang dehado ang Powerade sa Finals, kaya n’yo bang mag-champion?
Basta ang motto namin, ang lagi naming iniisip. WE BELIEVE. Naniniwala kami na kaya naming talunin ang Talk ‘N Text. Naniniwala kami na kaya namin mag-champion.

Umaasa ka bang manalo ng MVP sa season na ito?
Personally, as a player, siyempre hinahangad ko rin ‘yun. Pag player ka, talagang iniisip mo ang bagay na tulad ng achievement awards.

Gaya nang nasabi ko, pag maganda ang ipinapakita mo, may mga bagay na kusa na lang darating. Kung makuha ko ang MVP, masayang-masaya ako at thankful.

Ano ang pinakanagpapasaya sa iyo sa pagpasok ng Powerade sa finals?
Sabi nga ni Coach Bo (Perasol), naging inspirasyon kami ngayon.

Na sa ipinapakita namin, nakikita ng mga tao na kahit maliit, kayang lumaban at marating ang di inaasahan. Na kahit mahina sa tingin ng iba, kayang umangat.

Natutuwa kami na naging inspirasyon kami ngayon ng mga taong nanonood ng PBA.

Ano ang nais mong iparating sa mga Powerade fans?
Suportahan sana nila ang Powerade at ang PBA. And to keep believing na kaya naming mag-champion.

Malayo na ang narating namin. Hindi na namin pakakawalan ang pagkakataong mag-champion.

Maglalaro kami nang todo para walang pagsisisi sa bandang huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ang fearless forecast mo sa championship series?
Para sa akin, aabot sa Game Seven. Siyempre champion ang Powerade.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending