Kathryn nagkasakit kaya absent sa Concert ni Daniel sa Tacloban | Bandera

Kathryn nagkasakit kaya absent sa Concert ni Daniel sa Tacloban

Ervin Santiago - July 02, 2014 - 03:00 AM


MARAMING taga-Tacloban ang nalungkot dahil hindi nakarating si Kathryn Bernardo sa free concert na inialay ni Daniel Padilla para sa mga Yolanda survivors nu’ng Sabado.

Umasa kasi ang mga kababayang Waray ni Daniel na makikita rin nila nang personal ang Teen Queen ng ABS-CBN, pero natapos nga ang concert nang walang Kathryn  na lumabas sa stage.

Ayon kay Daniel, nagkasakit kasi ang kanyang ka-loveteam at hindi na kinaya pa ang magbiyahe mula Manila patungong Tacloban kaya hindi na ito nakasama sa kanila.

“Oo nga, e. Sayang talaga at hindi siya nakapunta. Kasi todo na ang shooting namin (para sa She’s Dating The Gangster), napagod, kaya nagkasakit bigla.

Kaya sabi ko sa kanila (mga Yolanda victims), babalik si Kathryn sa susunod, magso-show uli kami para sa kanila,” paliwanag pa ni DJ na grabe ang kaligayahang nadama nang makita niyang masayang-masaya ang kanyang mga kababayan sa kanilang ibinigay na free concert.

Na-touch din ang binata nang habang nagpe-perform siya ay pinatay ang lahat ng ilaw sa venue at tanging ang ilaw lang mula sa mga cellphone ng audience ang nagsilbing “liwanag sa dalim”.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, umabot sa 30,000 residente ang nakisaya sa event. Isinabay ang free show ni DJ sa selebrasyon ng Tacloban Festival. Ayon sa binata, “Ang saya lang na nakabalik ako sa Tacloban, na hometown ko rin.

At nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa amin ni mama (Karla Estrada) para mabuo ang proyektong ito.”

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending