Spotlight: Here comes the Bride | Bandera

Spotlight: Here comes the Bride

- January 28, 2012 - 02:06 PM


MAIKSI lamang subalit punung-puno ng pagmamahal ang halik na nagreselyo sa kanilang mga panata.

At hindi mahalaga kung nahuli ng 20 minuto bago nakapaglakad patungo sa altar ang bride.

Noong isang linggo ay nag-isang dibdib sina Valenzuela Councilor Shalani Soledad at Pasig City Representative Roman Romulo sa St. Benedict Church sa Ayala Westgrove, Sta. Rosa, Laguna.

“I’m very happy that I’ve found you,” ani Roman, 44, sa kanilang palitan ng mga
pangako.

“I promise to love you from now on until forever,” hirit naman ni Shalani, 31.

Isa sa mga inimbita na hindi dumalo ay si Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa mga malalapit sa pangulo, nagpapahinga ito sa Baguio City.

Kung tutuusin ay napakabilis ang ginawang pagpapakasal ng dalawa. Naging engaged lamang sila ng limang buwan.


BRIDAL GOWN
Ang gown ni Shalani na gawa ng designer na si Inno Sotto ay inilarawan na  “simple, feminine and elegant.” Fitted ang V-neck top nito na mayroong lace na bodice habang ang skirt ay gawa sa 17 pinagpatung-patong na malambot na tulle.

Ang sapatos niya ay nilikha naman ni Lila Almario.

Kung susuriing mabuti ay aakalain mong ginaya ang suot niya sa sinuot ng Duchess of Cambridge na si Kate Middleton nang magpakasal ito kay Prince William ng Britain.

Pero imbes na itago ay ipinakita ni Shalani ang kanyang mga braso.

Samantala, mula sa Hugo Boss ang midnight-blue tuxedo, puting shirt at gray bow tie ni Roman. Ang itim na sapatos ay gawa ng Louis Vuitton.

Mula sa business at political sector ang 22 ninong at ninang ng mag-asawa. Lumagpas ng isang oras ang Misa at punong-puno naman ang simbahan.

Inihatid sa altar si Shalani ng kanyang inang si Evelyn Soledad Yumol, at tiyuhin na si Mon Soledad, na siyang nag-alaga sa batang Shalani nang magtrabaho ang kanyang mommy sa ibang bansa.

Noong isang taon lamang nagkita sina Shalani at ang kanyang ama.

Anak sa labas si Shalani ng negosyanteng si  Adolfo Aguirre kay Evelyn San Ramon, isang flight attendant.

Habang nagtatrabaho ang kanyang mommy ay nakatira si Shalani sa kanyang mga lolo’t lola, tiyahin at tiyuhin.

Ayon sa ulat, hindi binanggit ng kanyang ina kay Shalani ang tungkol sa kanyang ama, na nakilala niya makaraan ang 30 taon.

Ang wedding invitation, gawa sa kulay off-white na papel, ay may naka-emboss na  “RS” insignia para sa initials ng mag-asawa.

Makaraang maghintay ng 20 minuto, napabuntong-hininga ang mga bisita nang bumulaga sa pinto ng simbahan si Shalani.
Inilarawan na simple at solemn, ang kasal ay nagsimula alas-5:45 ng hapon at pinangunahan nina Gaudencio Cardinal Rosales, Bishop Mylo Hubert Vergara, Rev. Msgr. Bartolome Santos Jr. at Rev. Fr. Isagani Avinante.

Dumating sa simbahan si Roman, anak ni dating Foreign Secretary Alberto Romulo at Rosie Lovely Tecson-Romulo, alas 5:15 p.m. Sumunod naman si Shalani na sakay ng puting S-Class Mercedes-Benz.

Ang mga principal sponsors ay sina Foreign Secretary Albert del Rosario at Gretchen del Rosario; PLDT-Smart-TV 5 chair Manuel V. Pangilinan at Norma Ona; Sen. Panfilo Lacson at Corazon Ong; Emilio Yap at dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar; Ambassador Antonio Cabangon-Chua at Betty Chua; San Miguel Corp. president Ramon Ang at Bettina Aboitiz; Roberto del Rosario at Elizabeth Gan-Go; James Sy Gaisano at Lily Lee; Felix Tuikinhoy Jr. at Maria Jessica Bautista; Manuel Dy at Natividad Cheng; at Bench founder Ben Chan at Janet Napoles.

Ang best friend ni Roman na si  J. Antonio Cabangon, ang tumayong best man habang si Joy Marie Castellvi ang matron of honor.

Kabilang sa mga groomsmen ni Roman ang kanyang kapatid na si Erwin, Davao del Norte Rep. Antonio Lagdameo, Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, George Rafael Lorenzana at Dante Soliven.

Ang mga bridesmaids naman ni Shalani ay sina Catherine May Hervas, Annaliza Jacinto, Ma. Lourdes Romero, Monica Garcia at Diamond Villar.

Kasama rin sa entourage ang 21 flowers girls. Tumayo bilang gospel reader sa Misa ang broadcaster na si Karen Davila at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, asawa ng aktor na si Richard Gomez.

Ginanap ang reception sa  Evolving Center Dockside sa kalapit na Nuvali.
Imbes na regalo, nakiusap ang mag-asawa na mag-donate na lamang sa biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City at Iligan City.

MENSAHE NI AQUINO

Sa isang ulat, sinabi ni Aquino na hindi siya pupunta sa kasal ng kanyang dating girlfriend pero magpapadala siya ng regalo.

“What is the message?” aniya. “The emphasis has always been to strengthen the family. We believe that a lot of the solutions to the problems of the country will be best addressed by a family that is strong, united and caring to the children that they bring.”

Ganoon din ang sinabi ng actress-TV host na si Kris Aquino, kapatid ng pangulo. “Good health …  and all of God’s blessings in the years to come.”

Dagdag niya: “I’ll echo what P-Noy (Aquino) said, may both of them continue to be instruments of true public service.”

“We thought Roman would not be able to find that person he can be with all his life,” sabi naman ng aktres na si Dawn Zulueta. “He finally did and I think Shalani is perfect for him.”

FAMILY HEIRLOOM
Bago ang seremonya ay sinabi ng mommy ni Roman na ang diamond engagement ring na ibinigay ng anak sa kasintahan ay isang family heirloom. “I’ve had it for a while.

I didn’t know it would end up with Roman when I had it taken out of the bank,” aniya.

Nagpiyesta naman ang mga bisita sa Angus beef, chicken binakol soup at cheesecake na gawa sa queso de bola na inihanda ng caterer na si Florabel Co. Sina Penk Ching at Shen Ratilla naman ang gumawa ng cake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Co, Angus beef ang inihanda nila dahil paborito ng dalawa ang “tapsilog.” Nagdagdag din siya ng “dirty ice cream” dahil request daw ito ni Shalani. —Text at photos mula sa Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending