Daniel tsinugi sa 2014 MMFF entry ni Vice, pinalitan ni Ser Chief | Bandera

Daniel tsinugi sa 2014 MMFF entry ni Vice, pinalitan ni Ser Chief

Julie Bonifacio - June 30, 2014 - 03:00 AM


TIYAK na malungkot ang fans ni Daniel Padilla sa pagkawala ng movie ng Teen King  sa 2014 Metro Manila Film Festival sa December. Natanggal kasi si Daniel sa movie na dapat ay pagsasamahan nila ni Vice Ganda na entry ng Star Cinema and Viva Films.

For two consecutive years kasi ay may movie si Daniel sa MMFF. Mismong si Vice rin ang nagsabi sa amin noon na makakasama niya sa bagong movie na ipapasok for 2014 MMFF sina Daniel at Bimby.

At sabi pa niya sa amin, superheroes ang role nila ni Daniel.Until ma-announce na nga na ang “Praybeyt Benjamin 2” ni Vice ang ipinasok ng Star Cinema sa filmfest kung saan makakasama pa rin si Bimby.

But for this project, si Richard Yap na ang kasama ng Phenomenal Box-Office Star na ididirek ni Wenn Deramas. Ayon sa aming source, “Talaga po nu’ng una Vice-Daniel ang naisip na artista and superhero nga po ang concept.

Pero concept pa lang po talaga ‘yun, wala pang definite. Hanggang sa naisip ng Star na it’s about time na magkaroon na ng sequeal ang pelikula nila like ‘Praybeyt’ and ‘Feng Shui.’

Ang dami po kasi talagang nagtatanong at nagre-request ng part 2.” At bago na-submit ang papers para sa mga pelikulang isasali ng Star Cinema sa MMFF committee, wala raw maisip na bagay na role para kay Daniel for the movie.

Hindi naman pwedeng si Daniel ang ipartner kay Vice. Kaya napagdesisyunan daw na si Richard ang maging love interest ni Vice sa movie.

Burado na raw totally ang character ni Derek Ramsay na unang ipinartner kay Vice sa part one ng “Praybeyt Benjamin.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending