One on One: Bianca di nagsisisi sa mga post vs Sen. Bong Revilla
ISA si Bianca Gonzalez sa mga tinututukang celebrity na malapit nang magpakasal. Bunsod na rin nang paghihintay sa wedding niya ang bonggang proposal na ginawa ng kanyang boyfriend at basketball star na si JC Intal. And now, may ali-ngasngas na may date na ang araw ng kasal nina Bianca at JC.
Sa nakaraang 37th Gawad Urian, kung saan isa si Bianca sa naging hosts ng awarding ceremony, nakapanayam namin ang TV host sa loob ng kanyang dressing room sa ABS-CBN. Narito ang kabubuaan ng aming panayam kay Bianca.
BANDERA: Anong latest sa wedding nila ni JC?
BIANCA GONZALEZ: Wala pa rin akong maa-update. Balikan ninyo ako next month. Actually, maraming nagsasabi, ‘Huh? Bakit wala pa kayong plano?’ ganyan.
Parang sila ‘yung nai-stress para sa amin. E, kami parang chill lang kami. Wala pa talaga. Next month kapag tinanong ninyo ako baka may more concrete plans na ako.
B: Sa simbahan ba nila planong magpakasal?
BG: It has to be in a church kasi Catholic kami pareho. So, definitely, dapat church.
B: Within Metro Manila or out of town ang gusto n’yong wedding?
BG: Hindi pa namin nade-decide ‘yun, e. Ang dami kasi naming nababatong idea sa isa’t isa. Tapos ako mas gusto ko small and intimate. Siya gusto niya malaki, maraming maiimbitang kaibigan, pamilya.
So, kailangan ata ngayon mag-agree muna doon and then saka mag-decide
B: Nagkaayos na rin ba sila kung ilang anak ang gusto nila?
BG: Ay, anak?! Uhm, ako kasi, kaming magkakapatid, tatlo. Tapos silang magkakapatid, anim. Siya sanay sa big family, ako naman sa small lang. So, we will see.
Ideally, sa utak ko sana two or three, kung binigay ni God, ‘di ba? Pero nagpahiwatig na siya dati, gusto niya seven. Ay, seven! Teka lang, oo! So, ‘yun.
B: Ngayon pa lang ba ay nagkakaroon na sila ng pagtatalo ni JC regarding sa details ng wedding nila?
BG: Wala pa naman. Although, sabi nila magkaka-ganoon daw talaga. Wala pa rin akong sign kung siya ‘yung tipong tinatawag nilang ‘groomzilla?’ ‘Yung akala mo deadma ‘yun pala gusto lahat may say.
Wala pa akong nakikitang signs. Siguro kapag nasa planning stage na kami, tapos ‘yung may details? Doon daw nagkakatalo, e. Pero ngayon, wala pa naman.”
B: Namanhikan na ba ang pamilya ni JC sa parents niya?
BG: The problem with ‘yung pamamanhikan kasi my family, hindi dito nakatira talaga. So, mommy ko at kuya ko nasa States. Ate ko nasa London.
So, through the phone, isa-isa tinawagan niya pala bago niya ako tanungin. So, ‘yun na ‘yung tinatawag nilang ‘e-pamamanhikan’ o electronic pamanhikan! Wow! Ha-hahaha!
B: Why not? Hindi ba’t may “e-burol’ na rin ngayon?
BG: True! Mismo! Oo, kasi, alangan naman ano, saka panahon na ngayon ng internet and everything, mobile data. So, ‘e-pamamanhikan.’ Pauusuhin ko ‘yan.
Sa lahat ng pamilyang may OFW member, makaka-avail na kayo ng ‘e-pamamanhikan.’ Taray, ‘di ba?”
B: May top on the mind na ba siya na them for her wedding?
BG: Wala rin, e. Hindi rin ako ‘yung parang noong bata ako, gusto ko ganito, kailangan ang gown ko ganito, make-up ko si ganito. Hindi ako ganoon, at all.
B: Hindi ba naiinggit sa kanya ang best friend niyang si Toni Gonzaga?
BG: Ay, nainggit talaga? Si Paul (Soriano) nandiyan, tanungin ninyo! Sinabi ni Direk Paul, they’re getting there. Alam ninyo kung bakit nag-iba ang sagot ngayon ni Direk Paul?
Dati kasi nu’ng sinabi raw niya na malapit na, sabi ni Toni, ‘Ano’ng pinagsasabi mo na malapit na?!’ Na-ganoon daw, kaya siguro ngayon iba na ang sagot ni Paul. Ha-hahahaha!
But no, si Toni naman ang nakakatawa, uhm, when I got engaged nu’ng March, I remembered, kinuwento niya sa akin, sabi niya talaga kay Paul, ‘O, etong year na ‘to, moment na ‘to ni Bianca.
Huwag mo nang agawin, ha. Huwag mo nang gayahin, ha.’ Kaya I keep on telling Paul and Toni, kapag nagko-comment ako or nakikita ko si Paul, sinasabi ko sa kanya, ‘Share na natin ‘tong year na ‘to.
Okey lang sa akin talaga.’ Talagang I’ll be have to share this year with them. Pero yeah, well, si Toni naman is one year below, one year younger lang siya sa akin. So, malapit na rin ‘yan talaga.”
B: Ano naman ang take niya sa nakaraang nude-painting issue sa Pinoy Big Brother All-In?
BG: Oo, okey naman. Okey naman siya, o? Ha-hahaha! Well, ako kasi when I heard about the task, ‘Ah, okey.’ Kasi ang dami na naming naging task sa past na uh, controversial, risky, na-MTRCB din.
Meron din nga kahit hindi task, ‘yung ginawa ng housemate or whatever, na-MTRCB din kami. So, nagulat ako na this will be an issue kasi marami ata, nu’ng malaman ‘yung issue, hindi nila alam na tanong siya, yes or no.
Hindi siya para mag-pose sila ng hubad. So, syempre, as a woman, and Toni rin bilang woman, and syempre, we have bosses and producers that are women, ‘yung mga lalaki naman may asawa, daughter.
Hindi naman nila, hindi naman sila magpapagawa ng task na alam nila na ikapapahamak, ikapapahiya ng isang housemate.
So, ayun, first and foremost, it’s a yes or no task.
Sana ‘yun ang malaman ng tao na free talaga ‘yung housemate to say no. Except siguro nagka-dilemma sila kaya nag-yes muna, tapos nag-no. But, eto rin ang sinabi ng management namin, rest assured na every task naman na gawin namin, uh, we really abide by the rules.
Hindi nga lang ng MTRCB kundi even ang ABS-CBN. Meron naman tayong ethical standards and moral standards.
B: May mga nagba-bash kay Bianca sa social media sites dahil sa pananahimik niya diumano sa issue ng PBB pero very open naman siya sa pag-post ng comments kay Sen. Bong Revilla dahil sa pork barrel. Ano’ng masasabi niya sa mga bashers niya?
BG: Oo, may nag-tweet sa akin ng ganoon. I don’t think I have an opinion except na ngayon lang ako natanong. Wala naman akong…hindi naman ako pupunta sa press and say ganito, ganyan.
Or hindi naman ako nag-tweet only because if I do people would say, ‘Bakit mo dini-defend?’ Parang ganoon, ‘di ba? If I don’t say anything, I’m quiet. If I say naman something, bakit mo dini-defend hindi ka naman tinatanong ng tao.
So, yeah. I’ve always, ito lang, and another interview recently tinanong ako about the PBB issue. So, happy ako to share my thoughts.
B: Would she like to react naman sa pangsasawsaw daw niya on pork barrel issue kay Sen. Bong?
BG: Taray, alin ‘yun? Bina-bash ako dahil nakikisawsaw daw ako sa issue? A, siguro i-backgreed nila lahat ng tweets ko for the past three years kapag may mga ganyan namang issue nagpo-post din talaga ako.
And to be perfectly honest, ang dami pang mas malalang masasakit na salita na post ng ibang tao and ako as much as possible I want to share my opinion pero responsible pa rin ako sa words ko.
Hindi ‘yung parang, grabe na mga salita. I’m sure nakikita niya sa timeline niya ‘yung mga lait ng tao, ‘di ba? I tried not to be like that kasi gusto ko civil pa rin naman ‘yung magiging komento ko and yeah, that’s what social media is for, i-share mo ‘yung opinion mo.
B: Wala siyang regret sa mga pinost niya na comment on Sen. Bong?
BG: No, no, definitely, not. May mga words pa siguro ako na na-post in the past na syempre alam ko may family sila na nasaktan sa whatever bashing na makuha ng family member nila.
Pero part I guess ‘yun ng public life at saka part din ‘yun ng, wala, social media is there, e. Magpo-post talaga ‘yung mga tao ng opinion nila.
(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera? I-text ang pa-ngalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)
( Photo credit to bianca gonzalez official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.