Kris galit na galit kay Bistek: Sana man lang nag-sorry ka sa akin!!! | Bandera

Kris galit na galit kay Bistek: Sana man lang nag-sorry ka sa akin!!!

Alex Brosas |June 27,2014
facebook
share this

Kris galit na galit kay Bistek: Sana man lang nag-sorry ka sa akin!!!

Alex Brosas - June 27, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

HINDI pa rin pala nakaka-move on itong si Kris Aquino sa nangyari sa kanila ni Mayor Herbert Bautista.

Ang nakakaloka pa, waiting ang lolah mo sa sorry ni Mayor Herbert dahil sa interview nito sa Bandila three weeks back.

“No, ito na lang. Kasi I’ve been waiting for a sorry, a personal sorry,” say ni Kris sa show nila ni tito Boy Abunda.

“Kasi parang nasabi ko, ‘Hiniya mo naman ako sa buong publiko.’ Sana naman kahit tayong dalawa lang na magkaharap sana nag-sorry ka sa akin.”

“Ito, sa totoo lang, merong nagpainterbyu tungkol sa sa ‘kin several weeks back. I won’t name names, you know na. And how I wish he just said no comment,” she said. Sana ganoon na lang. Sana sinabi na no comment kasi nanahimik naman si Kris so mananahimik na rin lang ako. Sana,” dagdag ng Queen of Talk.

Nang ma-realize niyang pagmumulan na naman ng intriga ang sinabi niya, she said, “I’m sorry. Yeah, they’ll say hindi pa siya nakaka-move on. Tama po. Hindi pa talaga (ako nakaka-move on). Me galit pa nang konti. Me galit pa, eh. Pero puwede kasing mag-no-comment, eh.”

Actually, napag-usapan ang no comment na pinasikat ni Jane Oineza sa Pinoy Big Brother house nang matanong siya kung nagparetoke si Kathryn Bernardo.

Sa issue ng no comment, ito ang stand ni Kris: “It goes both ways.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending