X-Men pigil-rampa sa UAE | Bandera

X-Men pigil-rampa sa UAE

Susan K - June 20, 2014 - 03:00 AM

MALUNGKOT ang ilang X-men sa United Arab Emirates.

X-men ang tawag sa mga lalaking gustong maging mga babae; mga dating lalaking nagpapaka-babae.

Ito ay matapos masentensiyahan ang dalawang Pinoy sa Dubai ng isang buwang pagkakakulong dahil sa pagko-crossdress. Ang mga nasentensiyahan ay isang fashion designer at isang mananahi.

Lantaran daw kasi silang nagsuot nang pambabae — naka-bra at panty, at naka-high heels. Naging masyado silang kampante dahil halos 10 years at 15 years na silang nandon.

Ayon sa Dubai Misdemeanors Court, kailangan muna silang makulong bago sila ide-deport pabalik sa Pilipinas.
Isang texter natin na OFW sa Dubai ang nagsabi na magpipigil daw muna sila ngayon ng pagrampa at pipiliting magpakalalaki lalo na pag may pulis para di maaresto.

Tuwirang paglabag sa batas UAE ang pagsusuot damit babae kung sila’y lalaki. Hindi pwedeng katwiran na matagal na nila itong ginagawa.

Kaya walang magagawa ang dalawang Pinoy na ito kundi pagsilbihan ang kanilang isang buwang sentensiya. Posibleng di na rin sila makabalik pa sa UAE.

Walang tatalo sa pagsunod sa batas saan man tayo naroroon. Kaligtasan natin iyon. Obedience is better than intelligence ‘ika nga.

Sana ay maging aral ito sa iba nating OFW.

Isang text message ang natanggap ng Bantay OCW mula sa anak ni Ma. Divina Garcia na nasa Abu Dhabi, UAE. Hindi na ‘anya nakakapagtrabaho ang ina doon dahil may sakit ito.

Ayaw din siyang pauwiin ng kanyang employer.

Pero nakatakas si Divina at nakituloy sa isang kaibigan. Nagpunta na rin siya sa Philippine embassy upang ipaalam ang kaniyang kalagayan.

Nagtext naman ang mga anak niya sa Golden Eagle Services Agency, ngunit pare-pareho ‘anyang hindi sila pinansin sa kanilang reklamo.

Kaya’t matapos ipaalam sa Bantay OCW ang kalagayan ni Divina, kaagad namang kumilos ang aming programa at tinawag ang pansin ng ating embadaha doon.

Ilang linggo lamang ang nakalipas at matiwasay namang nakauwi na sa Pilipinas si Divina. Nang makausap namin siya sa Radyo Inquirer, ipinaalam niyang kung hindi pa ‘anya sila nakapagsumbong sa Bantay OCW, maaaring magpahanggang ngayon ay naroroon pa siya sa Abu Dhabi at hindi pinapansin.

Isinasaayos na rin namin na matulungan siyang makapag-pagamot at tiniyak naman ni Deputy Administrator Josefino Torres, ang OIC ng Overseas Workers Welfare Administration na tutugon ang kanilang tanggapan sa pangangailangan ng ating OFW.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870 E-mail: [email protected]/ [email protected]

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending