James Yap babalikan si Kris sa 2017 | Bandera

James Yap babalikan si Kris sa 2017

Alex Brosas |June 19,2014
facebook
share this

James Yap babalikan si Kris sa 2017

Alex Brosas - June 19, 2014 - 03:00 AM


May nag-surface lang na photo na magkasama sina Kris Aquino, Bimby at James Yap ay lumutang na uli ang wish ng mga fans na magkabalikan ang dating magdyowa.

Dumaan kasi si James sa isang pictorial session nina Kris at Bimby. Nagdala pa siya ng chocolate mousse at  cupcakes for Kris. Ito namang si Kris, kaagad na ipinost ang photo nila sa kanyang Instagram account.

Ayun, nabuhay muli ang fans nilang dalawa na nagwi-wish na magkabalikan na sila. “Miss kris kau pa rin ang magsasama n james in 3yrs (2017) thats my vision..in your love life. mlakas ang feeling ko na kayo ang soulmates!”

“Wow i love sana magbalikan kayo at alam ko magiging masaya kayo…cg na cris.” “Sana magkabalikan na clang dalawa.”
Another one claimed, “Sana nga, kasi feeling ko, mahal pa rin nila ang isa’t isa dahil nagkaroon sila ng napakagwapong anak!

Di pa naman huli ang lhat! pwedeng pwede pa!” ‘Yan ay ilan lamang sa mensahe ng mga taong gusting magkaroon ng reconciliation sina Kris at James.

But one fan who obviously does not want that to happen dahil ang comment niya, “Tama James HUAG ka nang bumalik Kay Kris Hindi na magiging happy ang relationships ninyo! NASA langit ka na ngayon sa piling ng Italian girlfriend mo don’t go back to hell with Kris!”

Ang taray, ha! Mapikon kaya uli si Kris sa ilang nega niyang followers at patulan ang mga pang-ookra nito sa kanya? Let’s see.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending