Hiwalayang Erik Santos-Angeline Quinto pinagtawanan lang, isang malaking joke daw | Bandera

Hiwalayang Erik Santos-Angeline Quinto pinagtawanan lang, isang malaking joke daw

Jobert Sucaldito - June 16, 2014 - 03:00 AM

MGA baliw itong mga kafatid natin sa industry talaga, lalo na ang mga kabarkada kong hanep kung manlait. Kasi nga, nu’ng mabalitaan naming nag-break na raw sina Erik Santos at Angeline Quinto ay biglang nagtaasan ang mga kilay ng mga hitad.

“Naging sila ba? Di ba’t natsitsismis na beki si Erik at tibo naman si Angeline? Puwede ba namang magtagal ang ganoong set-up?” walang-pakundangang comment ng isa.

Hoy! Be kind naman to them. Kung hindi niyo sila marespeto bilang babae at lalaki, kahit bilang tao man lang. Wow! Parang dialogue lang ni Aling Vilma Santos sa isang pelikula, di ba? First of all ‘kako love na love ko iyang si Erik – he’s such a wonderful guy.

“Porke love mo hindi na puwedeng okrayin!” talak ng isang kasama naming parang ako na ang tinatarayan ha. Gusto kong ingudngod sa sahig ang baklita pero biglang-bawi naman siya ng, “I mean, kahit badingding kailangang huwag sabihing badingding dahil friend mo? Kaya kong patunayan iyan,’no!” sabi pa ng hinayupak na baklita.

Hindi ko na lang siya pinatulan. I dared him to show evidence sa mga sinabi niya dahil kung hindi isusumbong ko siya kay Erik. Pero wait, how about Angeline? Anong ebidensiya niyang tibo si Angeline?

“Naku, may kaibigan ako sa Sampaloc kung saan lumaki iyang si Angeline. Boyish daw talaga ang babaeng iyan at never na-link sa kung sinumang lalaki sa lugar nila,” mabilis niyang sagot.

Wait lang ulit! Iba ang boyish, iba ang tomboy! Dapat malinaw iyan. At halimbawa ma’y totoo ang hinala niya, wala na bang karapatang lumigaya sina Erik at Angeline sa piling ng isa’t isa?

Baka kaya nahulog ang loob nila sa isa’t isa because they have common interest – ang music. Or baka merong special na katangian ang bawat isa na swak sa kanila.

“Meron daw third party kaya sila naghiwalay – lalaki raw. Nu’ng marinig ko iyon, nag-isip ako, sino ang may ibang lalaki sa kanila? Ha-hahaha!” dagdag pa ng buwisit naming friend.

Regardless kung anumang gender meron tayo halimbawa, hindi hadlang ito para sa kung anuman ang ikaliligaya natin. Basta at the end of the day, ang dapat nating maramdaman sa mga sarili natin ay ang kaligayahan at ang pagiging mabuti sa ating kapwa.

Kaya dapat ay FULL MEAL palagi, di ba? Extra rice please. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to erik santos official fanpage )

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending