Bong umaasa pa ring malulusutan ang pork barrel scam, may pasasabugin
Umaasa at nananalingin pa rin ang pamilya ni Sen. Bong Revilla na papaboran sila ng Sandiganbayan matapos mag-submit ang legal counsel ng senador ng motion for reconsideration hinggil pa rin sa kasong plunder na isinampa sa kanya at kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.
Ayon sa nasabing mosyon, ang plunder complaint daw laban kay Bong ay walang “bearing” kaya dapat munang i-suspend ang proceedings ng kaso.
Bukod dito, isa pang mosyon ang isinumite ng senador na nagre-request ng “judicial determination on the possibility of issuing a warrant of arrest” laban kay Sen. Bong na inaasahang magbibigay ng privilege speech ngayong araw sa Senado.
Balitang may mga pasasabugin ito kaya yan ang ating abangan.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.