Talagang suko hanggang langit ang galit ni Maegan Aguilar sa kanyang madrastang si Jovie. Nakakakita rin naman kami ng mga anak na hindi masyadong kasundo ng kanilang madrasta, pero kakaiba ang galit ni Maegan sa asawa ngayon ng kanyang ama, sobra-sobra ‘yun sa inaasahan lang.
Lahat na ng pamimintas at pangyuyurak sa pagkatao ng mahal na misis ni Ka Freddie Aguilar ay nasabi na ni Maegan, minsan nga ay sinabi pa niya sa isang interbyu na ugaling-iskuwater na rin ang kanyang ama ngayon, dahil sa pagdating ng kanyang madrastang si Jovie.
Ewan, pero sa pagkakaalam namin ay pinasok naman sa maayos na eskuwelahan ni Ka Freddie si Maegan, pero bakit ganito ang naging produkto ng magandang edukasyon sa may kabastusang anak ng musikero.
Kundi niya kayang makita at makasama ang kanyang madrasta, di bumukod siya ng tirahan, pero sa edad niyang treinta’y singko na ngayon kasi ay umaasa pa rin sa ilalim ng pundilyo ng kanyang ama itong si Maegan.
Akala mo siya reyna sa bahay ng kanyang ama, walang puwedeng kumontra sa gusto niyang gawin, kakain siya sa oras na gusto niya at wala siyang pakialam sa mga trabahong-bahay dahil lumaki raw silang hindi nagtatrabaho dahil marami silang kasambahay.
Puro hindi katanggap-tanggap na katwiran ang pinagsasasabi ni Maegan, kaya ang inani niya sa panglalait sa kanyang ama at madrasta, pagkasuklam sa kanya ng taumbayan.
Dapat maalala ng babaeng ito na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak lamang.
Hindi siya ang dapat masunod habang nakikipisan siya, may ibang hari at reyna sa balwarteng kinaroroonan niya, puwede lang siyang mag-astang reyna sa isang bubong na siya ang nagbabayad at siya ang gumagastos sa bawat pangangailangan niya.
Pero habang nakikibubong lang siya ay kailangan niyang sumunod sa mga alituntuning umiiral sa bahay na hindi niya naman pag-aari at nakikitira lang siya.
Napakasarap pitikin nang malakas ng nguso ng Maegan Aguilar na ‘yun! Bastos na anak, walanghiya!” komento ng kaibigan naming propesor.
Ubos!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.