Anyare...Jimmy Santos parang ‘extra’ na lang sa Eat Bulaga | Bandera

Anyare…Jimmy Santos parang ‘extra’ na lang sa Eat Bulaga

Jobert Sucaldito - May 30, 2014 - 03:00 AM

JIMMY SANTOS AT MARIAN RIVERA

During the day, nakatutok kami sa Eat Bulaga ng GMA 7 dahil ang ABS-CBN sa hotel na iyon ay malabo nang konti. Napanood namin ang kabuuan ng noontime show and naaliw kami sobra kay Marian Rivera na sumama kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa Juan For All, All For Juan segment nila sa Bulacan. Napakakalog ni Yanyan with the boys – grabe kung magbiruan sila – very natural and very ENGAGING talaga.

Doon pala puwede i-apply ang word na ENGAGING sa biyahe naming iyon ni Richard Pinlac, hindi pala sa supposed meeting namin – sa segment pala ng Eat Bulaga puwede naming gamitin ang word na ‘yan. Ha-hahaha!

Ang saya ni Marian sa show, sana ay regular na talaga siya roon. Or baka ako na lang ang last to know na regular na talaga siya.

At aliw na aliw kami sa lokohan nila – pinaglaruan nila ang personal na buhay ni Wally, ginawa niyang katatawanan ang controversy sa buhay ng comedian pero subtle lang. Si Bossing Vic Sotto ang nagpasimuno ng joke na iyon kaya sinakyan na nina Jose and Wally!

Wala si kafatid na Allan K sa show that day – why kaya? I texted him kung bakit and he replied na nasa US Embassy daw siya kaya I fully understood. Ang isang ipinagtataka lang namin ay bakit ganoon na lang kaliit ang exposure ni Jimmy Santos sa EB.

Para na lang siyang palamuti sa show. Tatlong maiiksing adlibs lang yata ang narinig namin from his mouth sa kabuuan ng show. Why oh why, Jimmy Boy?

Anyway, we had so much fun watching Eat Bulaga. Kasi nga, masaya ang atmosphere ng programa, walang yabang factor. Walang pa-star-star. Hindi offensive. Marami pa silang napapasayang audience dahil sa malalaking papremyo nila. Unlike sa Showtime na mas nauuna ang pa-feeling-star nina Vice Ganda, bago atupagin ang ganda ng show.

Nakakasawa na kasi ang mga pakontes nila na paulit-ulit lang naman ang dating. Sa ganitong pagkakataon kasi ay naghahanap ako ng kahit konting puso lang sa show, kahit noontime siya, I want to see them connected to the madlang people in many ways.

Hindi yung puro na lang saya and tarayan at times, di ba?

Anyway, I will try to watch Eat Bulaga again – after all, matagal ko na naman talagang paboritong noontime show ito ever since, di ba? No offense meant sa ABS-CBN na mother studio ko, mas mahal ko ang Dos kaysa sa ibang stations dahil I work for them pero bilang televiewer, mas gusto ko talaga ang EB kaysa sa Showtime. Unless they add more serious segments na pasok sa puso ko siguro, I may just change mind. Ganoon lang iyon. Honesty is the best policy, ika nga. Ayokong magpaka-plastic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending