IBINAHAGI ng ating mga texter ….9400, ng Tacurong City at ni Ronald (…3323) ng Vigan City, ang nagkapareho nilang problema sa 155cc motorcycle.
Ang 155 ay mayroong malaking engine block kaya malakas ang makina nito.Ang mga bagong modelong inilabas ay kinabitan na ng electric start bagamat inirerekomenda pa rin ang kick start o pagpadyak dito para umandar.
At dahil malaki ang makina nito, mas maraming gasolina at hangin din ang kailangan nito kumpara sa mga motorsiklong 100cc at 125cc. Upang magawa ito, kailangang mapanatili na malinis ang air intake at ang fuel line.
Bago ang batas kaugnay ng four-stroke motorcycle, marahil ay napapansin niya ang ilang malalaking two stroke motorcycle na ilang ulit na pinapadyak bago mapa-andar.
Maraming gumagamit ng 155cc motorcycle ang hirap sa pagpapaandar nito. Isa sa mga dahilan ay ang paggamit ng premium gasoline.
Dahil mabilis na nasusunog ang premium gasoline marami ang nag-aakala na ang mataas na lebel ng octane ay bagay sa mga motorsiklo na ginagawa para sa unleaded o regular gasoline.
Ang madalas na paggamit ng premium ay nagiiwan ng dumi sa fuel line dahil sa mga inihalong kemikal dito. Kaya naman dapat ay maging regular ang paglilinis sa karburador ng 155.
Makabubuti rin kung magtatanong-tanong kung kailan naglilinis ng tangke ang suking kinakargahan ng gasolina. Ang kalawang sa tangke ng gasolinahan ay maaaring maisalin sa tangke ng sasakyan kapag nagpapagasolina.
Maaari ring magresulta sa hard start ang maling engine idle o ang pagpaaandar sa makina ng motorsiklo bago ito patakbuhin.
Ang hindi tamang pagkarga ng gasolina sa makina ay nakakaapekto sa takbo ng motorsiklo.
Kung mataas ang engine idle marami ang nalalagay na gasolina sa makina kaya kapag pinaandar ito ay bigla itong lumulundag.
Kung kulang naman ang gasolina ay malimit mamatay ang makina.
Magandang sasakyan ang 155 lalo at malakas ang makina nito at matipid sa gasolina at ang kailangan lamang ay ang regular na paglilinis at iniiwasan ang pagkarga ng mabibigat.
MOTORISTA
Sunriser
SUNRISER nabili ko motor. Maganda ba performance nito?
…2792
BANDERA
ANG perormance ng bawat motor o scooter ay depende sa paggamit ng may-ari. Kung isa lang ang rider ay masusundan niya ang performance o panghihina nito.
Ang bawat pagbabago sa performance o panghihina ay kailangang ikonsulta sa mekanikong iyong kilala at pinagkakatiwalaan. Sa unang taon ay malalaman na ang kakayahan o performance ng motor o scooter sa uri ng daan o haba ng biyahe na babagtasin nito.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARTS 0935-8017811
XRM model 15 35k from Cotabato 0906-6323441
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).
VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.