Dos jackpot sa Dyesebel, Ikaw Lamang, MiraBella
PERSONAL palang binabantayan ni Dreamscape Entertainment head Deo T. Endrinal ang gabi-gabing editing ng mga programang MiraBella, Dyesebel at Ikaw Lamang na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Kaya pala sa tuwing kausap namin si DTE (tawag kay Deo) ay ngarag at laging nagmamadali. “Madugo ang editing, Reggs,” say ng publicist ng Dreamscape na si Eric John Salut.
Pero pag nakuha na raw nila ang resulta ng ratings ng mga nasabing programa ay abot-langit ang saya ng Dreamscape team.
Base sa ipinadala sa aming resulta ng latest survey, nagtala ng all-time high ang tatlong programa ng Dreamscape: noong May 22, Huwebes nakakuha ang MiraBella ng 22.6% (vs MLFTS’ 13.9%); nakakuha naman ang Dyesebel ng 34.9% (vs Kambal Sirena’s 16.4%) at may 34.1% naman ang serye nina Coco Martin at Kim Chiu na Ikaw Lamang (vs Carmela’s 14.9%).
Sabi nga ni Biboy Arboleda, head ng synergy ng Dreamscape, hindi na sila naghahangad pa ng 40% na rating pataas dahil sa rami ng medium ngayon kung paano mo mapapanood ang isang programa.
“Nahati-hati na kasi, before sa telebisyon ka lang puwedeng manood, ngayon pati sa cellphone puwede mo nang i-download sa IwantTV o sa YouTube, marami nang ways kaya hindi na nakatutok lahat sa TV expecially ‘yung mga ginagabi ng uwi.
“Kaya kami ngayon, maka-30% plus lang, masaya na bonus na kasi marami ng kalaban ngayon talaga. Ang maganda lang, marami pa ring naga-aabang at talagang pinag-uusapan pa rin.
Tapos na ‘yung mga panahong nakakuha ng 52% ang isang programa, sobrang taas no’n,” paliwanag ni Biboy. Samantala, ang cast ng Dyesebel sa pangunguna nina Anne Curtis, Gerald Anderson, Andi Eigenmann at Sam Milby ay nasa Trinoma Acitvity Center ngayong hapon para sa summer season at cool summer treat grand fans’ day ganap na alas-kwatro ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.