Die hard fans nina Daniel at Kathryn nagwala sa Galit; Apektado kay Julia
Galit na galit ang Kathniel fans sa amin. Para daw kasing pinalalabas namin na kawawa si Julia Barretto when we wrote na binash siya ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Lalo pang nagalit ang Kathniel fans when we called them walang kuwenta in another column. Hindi nila matanggap ang terminong aming ginamit.
Ayaw na ayaw palang masabihan ng worthless ang mga basher-fans nina Daniel at Kathryn. Masyadong masakit para sa kanila ang term na ‘yon.
Nasasaktan sila, eh, kung makapang-bash nga sila kay Julia ay parang wala ng bukas, ‘no! Kung anu-ano ang itinawag nila kay Julia just because she was paired with Daniel sa isang softdrink commercial. Magtigil na sila, ‘no!
Mga ineng, hindi ba kayo naturuan ng Golden Rule ng inyong mga ina? Bakit kayo galit na galit kapag kayo naman ang binibigyan ng pangalan at kapag kayo naman ang pinupuna? Ano’ng trip n’yo? Ang gusto n’yo ba ay kayo lang ang magbibigay ng kung anu-anong pangalan sa mga artistang ayaw ninyo? Ano kayo, sinuswerte?
Masyadong balat-sibuyas itong Kathniel fans. Hindi lang sila walang kuwenta, wala silang K!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.