Sandara Park may misyon sa PBB house | Bandera

Sandara Park may misyon sa PBB house

Ervin Santiago |May 15,2014
facebook
share this

Sandara Park may misyon sa PBB house

Ervin Santiago - May 15, 2014 - 03:00 AM


IN FAIRNESS, talagang superstar na ang level ng tinaguriang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas noon na si Sandara Park na kilalang-kilala na ngayon bilang miyembro ng Korean Pop girl group na 2NE1.

E, kasi nga, nag-trending worldwide ang annoucement ng ABS-CBN tungkol sa gagawin niyang guest appearance sa reality show na Pinoy Big Brother All In ngayong araw.

Isasabay na ang pagpasok niya sa Bahay Ni Kuya sa concert nila sa Manila sa darating na Sabado sa Mall of Asia Arena bilang bahagi pa rin ng 5th anniversary ng grupo.

Ilang minuto lang ang nakalipas matapos i-post ang mensahe ng PBB na may hashtag na “Si Sandara Park”, mabilis na itong naging usap-usapan sa Twitter hanggang sa mag-worldwide trending na nga ito sa social media.

Bukod dito, pati ang official hashtag for the day ng afternoon edition ng PBB na “#uberNOBELA,” ay nanguna rin sa Philippine at global trends sa nasabing micro-blogging site.

Ano nga kaya ang ipagagawa ni Big Brother kay Sandara sa loob ng Bahay?

( Photo credit to sandara park official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending