Sunshine nag-file na ng annulment case

By Ervin Santiago May 13,2014
share this

Sunshine nag-file na ng annulment case

By Ervin Santiago May 13,2014
share this


NAG-FILE na si Sunshine Cruz ng petisyon para sa annulment ng kasal nila ni Cesar Montano. Mahigit 13 taon ding nagsama bilang mag-asawa ang dalawa.

Sa KrisTV kahapon, sinabi ni Sunshine na isinampa niya ang annulment case bago mag-Holy Week. “Para naman bago ako mag-40 makahanap ako ng kaligayahan ko,” sey ni Sunshine na 36 years old na ngayon.

Hirit naman ni Kris sa ex-wife ni Buboy, “Remember the last time na sinabi mo sa akin was kapag nandoon na siya sa age na hindi na siya masyadong active eh magbabalikan na lang kayo, dahil ‘yun lang naman ang naging problema talaga.” Na sinagot naman ni Shine ng, “Hindi na pagod na ako. Okay na ako.”

Hindi rin daw masyadong naglalaan ng oras si Cesar sa mga anak nila, hindi na rin daw ito nagbibigay ng kaukulang sustento, “Mayroon siya every day visitorial rights.

Ang problema nga nakakatatlong visits pa lang siya sa mga bata, tatlo o apat magmula nang nangyari ‘yung full custody sa akin last year December yata.”

Dagdag ni Shine sa isyu naman ng financial support, “Sa ngayon ang order ng court is for him to pay the tuition of the children and ‘yung mga school supplies at nu’ng nagre-rent ako ng bahay P55,000 a month ibinibigay niya ‘yun lang.

Up to now, dahil hindi pa din kami nagkakaroon ng hearing, ‘yun pa din. “So I am asking, I was requesting nga him, the secretary, to at least naman magpadala naman kayo ng bacon, hotdog, baon ng mga bata, makita man lang na, ‘O, padala ng tatay niyo yan.’ Para naman ma-feel ng mga bata na naaalala pa rin kami ni daddy,” aniya pa.

Sey pa nito, “I always tell the kids to message him every day. Sabi ko ‘yun lang ang order ko sa inyo, to always say hello to dad and that you love him. Kasi siyempre gusto ko na malaman niya at ma-remind siya may tatlo siyang anak sa akin.”

Pinayuhan naman ni Kris si Sunshine na huwag munang mag-entertain ng manliligaw hangga’t hindi pa tapos ang annulment case, “During the stage of annulment I advise na huwag na muna.

Tapusin mo, get everything out of the way para at least walang anything hanging over your head. Kasi mas maganda talaga na may malinis na closure.”

Pwede pa rin naman daw sila maging friends ni Cesar, “Sinasabi ko nga any time naman ready ako makipag-friends sa kanya eh. Hindi ko alam bakit ayaw (ayaw ni Cesar).

Kahit magkokontak sa secretary niya, ‘di nakikipag-coordinate ang secretary when it comes to kids, abogado to abogado na lang daw.” “Hindi ko nga alam bakit.

Basta I’m hoping and praying even the kids naman, basta ang gusto lang nila ay maging happy ako. Gusto nila mag-date ako. Sabi ko, ‘We are not in a hurry, anak.

Madami pa tayong dapat ayusin,'” chika pa ni Shine na mukhang naka-move on na talaga sa break-up nila ni Buboy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending