John Lapus, Universal Sweet forever | Bandera

John Lapus, Universal Sweet forever

Ervin Santiago - May 12, 2014 - 03:00 AM


KILALA siya noon bilang mataray at laiterang TV host. Pero biglang nabaligtad ang mundo ng komedyanteng si John Lapus nang pumalaot na rin siya sa larangan ng pag-arte – hanggang sa bansagan na nga siyang “Universal Sweet”.

Mahigit 10 taon na rin si Sweet sa industriya ng telebisyon at pelikula, pero aminado siya na hindi naging madali ang pagpasok niya sa showbiz – tulad din ng ibang celebrity, may ups and downs din ang kanyang career.

Sa one-on-one interview ng Bandera, Philippine Daily Inquirer, Radyo Inquirer at Inquirer.Net kay Sweet, napakarami naming nalaman na hindi pa nadidiskubre ng publiko.

Tulad na lang halimbawa ng aksidenteng pagkakapasok niya sa mundo showbiz, hindi pala niya talaga pinlano ang maging artista dahil ang course niya ay Hotel And Restaurant Management.

“Kasi, di ba, parang nasanay na tayo na kung ano ang natapos mo sa college dapat yun ang maging trabaho mo pag-graduate. E, hindi naman pala ganu’n sa totoong buhay lang.

Pero nakapagpasa na ako ng resume sa mga five-star hotel noon, hanggang sa mapadpad na nga ako sa show business,” ang bahagi ng pahayag ni John Lapus.

Narito ang ilan pang nakakatuwa at nakakalokang kuwento ni Sweet tungkol sa kanyang personal na buhay at career.

Kumusta ang Primetime series n’yong Mirabella sa ABS-CBN
“Yes, finally, on our fourth week, pumasok na siya sa top 5 sa ratings game, at least na-achieve na naman ng ABS-CBN Dreamscape na makuha yung primetime block, top 1 to 5, fifth nga ang Mirabella, tapos naglalaban ang Ikaw Lamang at Dyesebel sa one and two, tapos Legal Wife. Number 4 ang TV Patrol.

“It’s actually my first teleserye na inilagay ako not just to inject humor, kasi lagi nila akong pinapasok sa teleserye to elicit laughter, comic relief ganyan, so for the first time meron akong soap na I’m really part of the cast, kami ni Pokwang hindi lang sa comedy, we also give drama to the soap bilang kami nga ang gumaganap na parents ni Mira played by Julia Barretto.

Ibig sabihin hindi pwedeng basta na lang tsugihin ang karakter niya sa serye?
“Yes, first time na meron akong soap na hindi pwedeng basta-basta na lang ako tanggalin, kasi pag comic relief ka lang, pwede nilang gawin nagkasakit ka lang, kill ang character. E, ngayon most of the time, kaming dalawa ni Pokwang, bilang kami ang nagpalaki sa kanya, integral yung role.

Conscious ka rin ba sa rating?
“Kasi ako, staff din ako dati, 1999, I was the associate producer of The Buzz, creative specialist of Star Cinema sa promo department, so alam ko yung concern ng production pagdating sa rating, and it’s true pag hindi mataas ang rating, walang masyadong advertisements na pumapasok.

“Kasi at the end of the day it’s still business, dapat talaga kaming mga artista, hindi na dapat concern sa rating dahil hindi mo na yun problema, pero hindi mo rin kasi maiiwasan na maging conscious dahil kapag hindi nag-rate ang show mo matatanggal agad sa ere, ending wala ka nang trabaho.

“So, ang mga artista ngayon, lalo na yung mga lead stars, ayaw nilang magkaroon ng reputation na yung soap opera na pinagbidahan nila ay hindi nag-rate.”

Hindi ka naman nagrereklamo kapag pagod na pagod ka na sa pagtatrabaho?
“Hindi ako mareklamo sa trabaho dahil na-experience ko na ang maging nganga. That’s why I promised myself, sa manager ko, sa Star Magic, even to God, na kapag nagkaroon uli ako ng trabaho, hindi na ako magrereklamo.

“Middle part of 2005 until the middle part of 2006, I am completely jobless, of course may konting raket, pelikula on the side, corporate shows, Christmas party hosting, pero wala talaga akong regular show, then October 1, 2006, first day ko sa GMA, so du’n na lang ako nagkaroon ng trabaho, almost 8 years din ako sa GMA, until 2012.

“Tapos jobless uli ako ng three months. Then nu’ng January of 2013, kinuha na ako uli ng ABS. Kasi my last show sa GMA was Showbiz Central, August yun, kasabay ng soap ni Richard Gutierrez, yung Makapiling Kang Muli with Sarah Lahbati and Carla Abellana, it ended September.

So, October, November and December 2012, wala uli akong work. Magpa-Pasko pa, but thank God, may mga raket pa ring dumating.

Na-depress ka sa pagkakatanggal ng Showbiz Central?
“Yes, siyempre. But I think, it’s the classic example ng…I asked the management kasi about it, sabi nila they just want something new. Ayoko namang sabihing nag-flop yung ipinalit kasi hindi rin naman nagtagal ‘yun, di ba? So, there’s a feeling of vindication, na parang, ‘O, di ba?’

“Nananahimik na ‘yung show namin, almost six years na, tapos tinanggal. Ang feeling ko lang, siguro ano rin yun, realization for the bosses, na not all the time they are right. Meron din silang mga diskarteng, ‘Ngeee!’

Pero umalis ka naman nang maayos sa GMA?
“Yes, oo naman. Nu’ng natapos ang Showbiz Central, so I waited, ayoko kasi na magkaroon ng reputation na palipat-lipat ng network, parang mahirap din kasing makisama.

To be honest, admittedly nu’ng bagong pasok ako sa GMA, after working for 13 years sa ABS, namahay talaga ako nang bongga, hirap na hirap ako kasi konti lang ang friends ko sa GMA, hindi pa sila sa talkshow department kung saan ako pinasok.

“Maswerte rin ako na mababait ang staff ng Showbiz Central, na ironically, sinasabi ko noon sa kanila na it’s a small world after all, and showbiz is one of the smallest ever, yung staff ng SC, sila yung staff ng show noon ni Lyn Ching na Etching, na inokray-okray ko when I was in ABS.

“Sabi ko sa kanila, di ba kayo yung umokray-okray sa akin noong araw. Ang nangyari kasi noon. Kasi, I have this controversial segment sa Cristy PerMinute yung show ni tita Cristy Fermin, ang title ‘Prangka Ka John’, five minutes lang ako magsasalita, lalaitin ko lang ang artista of the day.

“Isang episode namin, si Lyn Ching ang topic, it has something to do with her outfit, kasi mataba pa si Lyn noong araw, siya ang inokray ko that day, sabi ko, kung mataba ka hindi ka nag-i-sleeveless, ng skirt na ganyan-ganyan.

“E, may show nga siya yung Etching, naku, yun na, pagdating ng Saturday, topic na ako ng show nila. Ang ginawa nila, pinagsama-sama nila ‘yung mga artistang nilait-lait ko sa segment, sina Camille Roxas na mali-mali ang English niya, si Rosanna Roces, sino pa ba? Basta marami-rami rin sila.

Na ang concept parang na-hurt sila sa mga sinabi ko. Na parang ang sama-sama kong tao. “Pero hindi naman ako natinag, then came Monday, sinabihan ako ng staff, tinanong ako kung titigilan ko na si Lyn Ching, sabi ko, ‘Ay hindi! Ginantihan ako nu’ng Sabado!’ Alam n’yo gantihan ‘yun.

Tapos meron pa silang ginawa, ‘yung mga artistang nagsisimba sa Baclaran, parang ang dating, ‘Naku, nagdadasal pala ang baklang ‘to!’ Retaliation na naman nila ‘yun.

“Pero ang final ko, sabi ko, hindi na ako magsasalita, umiiyak na raw kasi si Lyn Ching sa akin, so sabi ko, titigilan ko na po si Lyn Ching. On cam, ang sabi ko, ‘Lyn, (tapos may dala-dala akong siopao), Ching…mag-ingat ka sana.’ Yun lang.

Tapos after almost 10 years, yung staff ng Lyn Ching, sila rin yung staff ng…S-Files muna pala ‘yun, tapos nag-Showbiz Central na.

May epekto ba ‘yun nu’ng mag-artista ka na?
“Ang nangyari pa kasi nu’n, nag-artista na rin si John Lapus, e, kapag may taping or shooting, may times na hindi ako kinakausap nu’ng artistang kasali sa show, yun pala isa siya sa mga inokray ko, so sabi ko, parang hindi naman worth it, kasi humingi ako ng increase sa Cristy PerMinute para kapag may nagdemanda sa akin may pambayad ako ng lawyer, pero hindi nila ako binigyan, so we decided na mag-resign na lang ako.

“And after that, may premiere night ng isang movie, nakita ko si Lyn, nilapitan ko siya saka ako nag-apologize. Halos lahat, sa mga major-major na inokray ko.

“I also remember nag-thank you pa si Lyn sa akin dahil because of that, nagpapayat siya. Ngayon ang sexy niya, mas sexy pa siya ngayong nagkaanak siya.

Hanggang sa ibinigay na nila sa akin ‘yung title na Universal Sweet, so hindi na ako nang-ookray masyado, sweet na dapat ako nu’n.”

Sino ang unang big star na naka-encounter mo? (Medyo matagal nag-isip si Sweet) “Si Sharon Cuneta na nga yata. Kasi isa ako sa mga paborito niyan, e. Ganito pa yan, sa TSCS (The Sharon Cuneta Show) kami unang nagkita nang malapitan.

“Every Friday yan sa studio, pag may maingay, asahan mo ako ‘yun, nasa ibabaw ako ng table, manonood na ang staff, gagayahin ko si Ate Luds, sasayaw ako ala-Pia Moran, si Sheryl Cruz, tawa sila nang tawa.

One day isang araw, siguro sa ingay namin, si Sharon Cuneta pala, may MTV shoot, lumabas siya at nanood. Hindi ko namalayan, nasa dulong audience ko, si Sharon na pala.

“Ay, sabi ko, ‘Hello po.’ Sabi niya, ituloy mo lang, naaaliw ako sa yo. From then on, ipasusundo ako ni Eloisa, yung music researcher (mataas na ang posisyon sa Dos ngayon), kasi ang executive producer pa that time si direk Olivia Lamasan, ipasusundo niya ako, hinahanap daw ako ni Sharon, ayaw daw kasi mag-record, so aaliwin ko muna si Mega.

Nakakaloka, tumatambling talaga ako sa sofa ng production, ang payat-payat ko pa noon. Pia Moran! Pak! Ganyan-ganyan!

Paano ka naman pag in love?
“Ay nawawala ako, hinahanap talaga ako ng mga bakla! Misis-misisan ako. Nagiging submissive ako sa guy, pinagluluto ko talaga. Yung dyowa kong dancer, last BF ko, hindi ko alam kung bakit ganu’n, hindi siya kumakain ng plain rice, kaya kahit sinigang dapat magluto ako ng fried rice.

Hindi ko maintindihan yun. Kaya kapag nasa bahay siya, kahit may sinaing na, kailangan isangag ko pa siya. Minsan uuwi kami ng madaling-araw, so, iinit mo na lang ang sinigang, fried rice pa rin ang hinahanap niya! Kasi nasanay daw siya ng fried rice. Nanay ko nga, hindi ko pinagluluto, e.

May plano rin ba siyang magkaroon ng baby?
“Sumagi sa isip ko na mag-ampon, kasi fascinated ako sa concept ng adoption, kasi yung mga kaibigan ko na nag-adopt, hindi ko alam kung anong magic ‘yun, nagiging kamukha nila ang mga bata.

Anong nangyari, hindi naman niya ito anak, pero bakit kamukha na niya. “Tapos nu’ng unang-una kong Amerika, gandang-ganda ako sa mga bata na blue, gray eyes, yung kami ni Eugene Domingo, sabi ko, kidnapin kaya natin ang batang ito?

Ang sarap iuwi. ‘Yun sumasagi sa isip ko na mag-a-adopt ako ng batag Caucasian. Sa Olongapo raw meron, may isang bahay-ampunan daw du’n na karamihan sa mga baby mga Caucasian, mga parents Amerisian.

Gusto ko lang i-try, tingnan ko kung magiging kamukha ko rin paglaki. Ha-hahaha! “Pero sabi ko, ang dami ko na ring pamangkin, may apo na rin ako, tinanong ko rin yung mga friends ko na nag-adopt, hindi siya biro.

Naisip ko bigla, oo nga, ‘no! Mga aso ko nga, hine-hello ko na lang minsan, dahil pagdating mo sa bahay, matutulog ka na lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Abangan sa Philippine Daily Inquirer Entertaiment ang mas marami pang chika tungkol kay Sweet.)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending