Piolo walang panahon sa babae, relasyon kay Shaina fake na fake | Bandera

Piolo walang panahon sa babae, relasyon kay Shaina fake na fake

Julie Bonifacio - May 10, 2014 - 03:00 AM


Wala pa ring “kahawak kamay” while walking ang aktor na si Piolo Pascual. Hindi pa rin priority ni Piolo ang magkaroon ng girlfriend as of now. Maging ang tsika sa kanila ni Shaina Magdayao bilang magkarelasyon ay hindi naman true.

Sa rami naman kasi ng projects ni Piolo, maiinis talaga ang sinumang babaeng makakarelasyon niya. Bukod sa teleseryeng ginagawa ni Piolo na Hawak Kamay, may isa pa siyang bagong sports show with Gerald Anderson and Robi Domingo’s girlfriend na si Gretchen Ho, ang Team U.

Si Piolo rin ang host ng Gawad Urian sa June 17 with Bianca Gonzales along with Manunuri ng Pelikulang Pilipino member Butch Francisco.

Piolo and Bianca will be part of an even greater population of artists in the field of filmmaking na magsasama-sama in celebration of local cinema na gaganapin sa Studio 9 and 10 sa ELJ Buiilding ng ABS-CBN.

Magiging napakahigpit daw ng labanan ngayon ng mga nominado for this year, huh! Ang ika-37 Gawad Urian nominations ay pinangungunahan ng pelikula ni Lav Diaz na  “Norte Hangganan ng Kasaysayan” at ng pelikula ni Armando Bing Lao na “Dukit” na parehong may 10 nominasyon.

Sumunod ang “On The Job” at “Pormo” na may nine nominations naman. May walong nominasyon naman ang “Transit”  Habang nag-tie naman with six nominations ang “Riddles of my Homecoming” at “Ekstra.”

Nakakuha rin ng nominasyon ang “Badil” at “Ang Kwento ni Mabuti.” Excited naman kami na makita ng personal ang mahusay na director na si Mike de Leon na siyang tatanggap ng Natatanging Gawad Urian.

Si Mike ang nagdirek ng mga pelikulang nakatatak na sa local film history na “Kisapmata,” “Kakaba-kaba Ka Ba?” at marami pang iba. Alamin ang mga mananalo sa awards night ng ika-37th Gawad Urian on June 17.

Mapapanood ang Gawad Urian awards night sa kaparehong petsa sa Cinema One at 10 p.m..

( Photo credit to piolo pascual official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending