‘Napakagwapo ni Cedric sa orange shirt habang nakaposas! buti nga sa kanya!’
Pinaglalaruan ngayon kahit saan ang pagkadakip kay Cedric Lee at sa isa pa niyang kasamang kinasuhan ng serious illegal detention ni Vhong Navarro.
Sa programa namin sa radyo ay meron pang nag-text na ganito ang mensahe, “Napakaguwapong tingnan ni Cedric Lee na naka-orange t-shirt at nakaposas. Napakaguwapo niya, mabuti nga sa kanya!
Sa social media naman ay naghahabilin sa kanya ang marami nating kababayan na maghanda na ng pomada, langis at lotion, kakailanganin daw niya ‘yun kapag inilipat na siya sa Taguig City Jail mula sa NBI detention cell, para maging maayos ang kanyang pakiramdam sa loob ng kulungan.
Puro masasakit na salita ang ipinakakain ngayon ng publiko sa lalaking sinasabing naging tagapamuno sa pananakit-pambubugbog kay Vhong nu’ng gabi ng January 22.
Siguro’y hindi matanggap-tanggap ni Cedric sa kanyang kalooban na ganito ang kahahantungan niya. Sino nga ba ang magsasabi na ang tulad niyang anak-mayaman na ang akala ay kanya na ang mundo ay ganito pala ang kauuwian?
Pero wala nang magagawa pa ngayon si Cedric Lee at ang iba pa niyang mga kapwa akusado kundi ang tanggapin ang katotohanan na maghihimas-rehas na sila, anumang utang ay kailangang pagbayaran, maliit man ‘yun o malaki.
Nagtatago pa si Deniece Cornejo, pinaghahanap na ito ng mga otoridad, inaabangan na ng buong bayan ang pagkatiklo sa babaeng ito na sumigaw na ni-rape daw ito ni Vhong Navarro.
Sa basurahan lang lumanding ang asunto nito laban sa actor-dancer-TV host.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.