Hula ni Greenfield (Bandera resident psychic): Kapighatian, pagtataksil sa 2012 | Bandera

Hula ni Greenfield (Bandera resident psychic): Kapighatian, pagtataksil sa 2012

- January 03, 2012 - 04:32 PM

Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic

Una sa serye
(Nakita ni Joseph Greenfield ang nakamamatay na baha sa Mindanao, lalo na sa Cagayan de Oro at Iligan, sa huling bahagi ng taon.

Sa kanyang hula, nakita niya ang paglutang ng nilalang, na magdudulot ng delubyo.

Ito’y si Lolong, ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo na nahuli sa Bunawan.

Para sa mga taga-Bunawan, naniniwala sila na si Lolong ay kailangang pakawalan para matigil na ang baha.  Anila, si Lolong ay may kapangyarihan at dambuhala pa rin kahit di kumain nang matagal na panahon. —ed)

SA Chinese astrology, ang 2012 ay taon ng Dragon, na maghahatid ng kapighatian sa mga pamilya, mas malalang mga kalamidad, pagtataksil at pagkapahiya sa mga namumuno at dagdag na pagdurusa at sakuna.

Sa unang hati ng taon, habang naghihirap ang buong bansa, sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 8, 17, at 26, sasalakay ang nagliliyab na bunganga ng Dragon, lilindol nang ubod lakas sa katahimikan ng hating gabi.

Ang malakas na pagalaw ng kalupaan ay magaganap sa ilang bahagi ng Mindanao, Mindoro, Palawan, Laguna, Quezon, Pampanga, Bulacan at Metro Manila. Maraming mga pampubliko at pribadong gusali ang masisira o guguho.

Pagkatapos ay muling gagalaw ang dagat, muling lilindol nang malakas. Mabilis na gugulong ang higanteng alon patungo sa kalupaan.

Tatangayin ang mga kabahayan sa gilid ng mga tubigan, aahon ang higanteng alon sa kapatagan. Maraming gusali, kabahayan, tulay at mga sasakyan ang tatangayin at mawawasak.

Ang delubyong ay magaganap sa Enero hanggang Marso, sa kalagitnaan ng hating gabi habang tahimik na natutulog ang mga tao.

Maraming ari-arian ang matatabunan at mawawasak,  libu-libong bangkay ang pupulutin kung saan-saan at maraming buhay ang masasawi.

Tatangis ang sambayanan, ngunit ang pagsigaw ng awa ay tila huli na, sapagkat ang mga pangyayaring ito ay pasimula pa lamang ng mas malagim na kaganapan sa 2012.

Pagkatapos ng malakas na lindol, muling maghahasik ng lagim ang nagliliyab na bungabunga ng nagngangalit na Dragon. Masusunog at kakainin ng apoy ang ilang mahahalagang tanggapan ng gobyerno, kabilang ang Supreme Court at ang Malacanang sa Maynila.

Magkakasunog din sa Intramuros at Luneta, gayon din sa tanggapan ng DOJ sa Ermita.

Magkakasunog din sa Sampaloc at ilang dormitoryo sa University Belt. Kasabay nito, dalawang malalaking mall sa Quezon City at Mandaluyong ang lalamunin din ng apoy.

Kung hindi mag-iingat may, television station ding masusunog at lalamunin ng apoy. Ito ay magaganap sa buwan ng Enero hanggang Abril, sa mga petsang 9, 18, 27, 3, 12, 21, 30, 4, 13, 22, at 31, sa partikular na araw ng Martes, Biyernes, Sabado at Linggo.

Sa ikalawang hati ng taon, sa buwan ng Abril hanggang Hunyo, magugulat ang mga tao sa mga liblib at malalayong lugar.

Magliliyab ang mga kagubatan at kabundukan sa ilang parte ng Kabisayaaan, gayon din sa katagalugan, sa Quezon, Batanggas, Mindoro at Bataan.

Sa nasabing buwan, sa mga petsang 7, 18, 27,30, at 31, sa araw ng Miyerkules, Huwebes at Sabado, mabilis na  kakalat ang apoy sa kagubatan, mabubulabog ang iba’t ibang uri ng hayop na mababangis at gumagapang,  aatungal at bababa sa kabayanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sindak at takot ang maririnig sa bigbig ng mamamayan habang ang higanteng apoy na dala-dala ng Dragon ay hindi maaapula.

Itutuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending