Unang plano ni Cedric kay Vhong mas matindi pa sa bugbugan
Napakalalim pala ng pinag-ugatan ng pagkakabugbog-sarado kay Vhong Navarro nu’ng gabi ng January 22. Hindi pala basta ganu’n lang ‘yun, pinagplanuhan pala ‘yun, ilang araw at gabi palang dinisenyo ng mga sangkot sa asunto ang inabot ng actor-dancer-TV host.
Mula mismo sa isa sa mga akusado na si Jed Fernandez ay nalaman ng mga otoridad na iba ang gustong mangyari ni Cedric Lee kung siya ang masusunod.
Mas matindi pa sa bugbugan ang kanyang gusto, ayon sa bumaligtad nilang katropa, masuwerte pa rin si Vhong dahil hindi ‘yun ang nangyari.
Nagdadalawang-isip daw ngayon si Fernandez kung itutuloy pa rin nito ang pagiging saksi sa senaryo, matindi ang takot nito para sa kanyang kinabukasan at sa magiging kapalaran na rin ng kanyang pamilya, kaya urong-sulong pa ito sa kanyang desisyon.
Ngayon ay nakapiit na sa NBI detention cell si Cedric at ang isa pa niyang kasamang nahuli sa probinsiya, sino nga ba ang mag-aakala na sa ganito pala mauuwi ang lahat at ganito ang kahahantungan ni Cedric Lee, na kauuwian din ni Deniece Cornejo at ng iba pang mga sangkot sa kasong isinampa ni Vhong Navarro?
Walang piyansa ang kasong serious illegal detention, abangan na lang natin kung saang piitan ililipat si Cedric at ang kanyang kaibigan, sabi nga ng mga news anchor na nakasubaybay sa kasong ito ay kailangan na raw magpabili ni Cedric Lee ng pomada bago siya ibiyahe sa kung saanman siya makukulong. Ubos!
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.