Sarah, Lloydie 2013 Box-Office King & Queen
Siyempre, nagpipiyesta na naman ang mga Popsters ngayon dahil ang kanilang idol na si Sarah Geronimo ang muling itinanghal na Box-Office Queen para sa 45th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Si John Lloyd Cruz naman ang kokoronahang Box-Office King para sa pelikula nila ni Sarah na “It Takes A Man And A Woman” ng Star Cinema at Viva Films na kumita ng mahigit P387 million sa takilya.
Kina John Lloyd at Sarah din ibinigay ang nasabing titulo noong 2008 at 2009. Si Lloydie rin ang itinanghal na Box-Office King noong 2007 at 2012.
Bukod naman sa koronong Box Office Queen, dalawang awards pa ang ibibigay kay Sarah, ang Female Concert Performer of the Year at Female Recording Artist of the Year.
Nagbigay muli ng Phenomenal Awards ang Guillermo para sa dalawang pelikulang kasali sa nakaraang 39th Metro Manila Film Festival na kumita ng limpak-limpak – ang “My Little Bossings” at “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”. Sina Vic Sotto (My Little Bossings) at Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy) ang hinirang na Phenomenal Stars. Si Vice rin ang nagwaging Male Concert Performer of the Year.
Phenomenal Child Stars naman sina Ryzza Mae Dizon at Bimby para sa “My Little Bossings”. Si Robin Padilla ang hinirang na Film Actor of the Year habang si Maricel Soriano ang Film Actress of the Year. Prince and Princess of Philippine Movies naman sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bukod dito, itinanghal ding Promising Male Singer/Performer si Daniel. In fairness, nag-trending agad ang winning moment na ito ng Kathniel, ha!
Ang iba pang nagwagi ay sina Enrique Gil bilang Most Promising Male Star of the Year, Most Promising Female Star of the Year si Janella Salvador, Male Recording Artist of the Year si Christian Bautista, Promising Female Singer/Performer si Bea Binene, at Most Popular Recording/Performing Group ang Calla Lily.
Magaganap ang awards night sa Solaire Resorts & Casino sa May 18.
( Photo credit to johnlloydfanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.