Ai Ai natulala sa tagumpay ng 'Enteng Ng Ina Mo' | Bandera

Ai Ai natulala sa tagumpay ng ‘Enteng Ng Ina Mo’

|December 27,2011
facebook
share this

Ai Ai natulala sa tagumpay ng ‘Enteng Ng Ina Mo’

- December 27, 2011 - 02:57 PM

Giba ang takilya ng sinehang pinagtanghalan ng “Enteng Ina Mo!” nu’ng Pasko kaya naman hindi mailarawan ang kaligayahang nadarama ng mga bidang sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas!

Kumita ng tumataginting na P38.5 million ang “Enteng Ng Ina Mo” na idinirek ni Tony Reyes nung first day nito.

Sa totoo lang, lumikha ng history pagdating sa first day gross ang pagsasanib-puwersa nina Vic at Ai Ai.  Tinalo nito ang isa sa edisyon ng foreign film na “Spider-Man” pagdating sa first day receipts.

Bagay na ikinatataba ng puso nina Vic at Ai Ai.

Dating magkalaban sa takilya tuwing Metro Manila Film Festival sina Vic at Ai Ai pero ngayon nga ay nagsanib-pwersa sila para paligayahin ang mga Pinoy ngayong Pasko.

Sa malakas na puwersang ipinamalas ng “Enteng Ng Ina Mo” sa first day showing nito, inaasahang lalampas sa P300 million ang kikitain nito sa 10-day festival!

Ayon kay Ai Ai sa sobrang lakas sa takilya ng filmfest entry nila ni Vic, “Natutulala ako sa resulta! Natupad na naman ang wish kong maging number one ang movie namin! Thank you, Papa God at Mama Mary!”

At bilang pasasalamat, isang thanksgiving mass ang inihahanda ng mga producers ng “Enteng Ng Ina Mo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending