Jackie Forster pinutol ang mahabang buhok para sa anak na may Leukemia

By Ervin Santiago April 16,2014
share this

Jackie Forster pinutol ang mahabang buhok para sa anak na may Leukemia

By Ervin Santiago April 16,2014
share this


HUMANGA ang marami sa katapangan ng dating Regal baby at ex-wife ni Benjie Paras na si Jackie Forster. Kahapon, na-touch ang mga netizens sa mga mensahe ng dating aktres bilang isang ina.

Nakikipaglaban ngayon sa sakit na leukemia ang tatlong taong gulang na anak ni Jackie na si Caleigh, at ito ang dahilan kung bakit inaatake ng depresyon ang dating aktres, ngunit patuloy pa rin siyang nagpapakatatag.

Nito lamang nakaraang January ay na-diagnose ang leukemia ni Caleigh, siyempre, grabe ang idinulot nitong sakit sa kanyang ina, pero sinikap ni Jackie na maging matapang para sabay nilang labanan ng bagets ang nasabing pagsubok.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jackie ang bago niyang hairstyle na siya mismo ang gumupit, kadikit nito ang itsura ng kanyang anak na halos wala na ring buhok ngayon.

Nalagas kasi ang hair ni Caleigh matapos siyang sumailalim sa chemotherapy bilang bahagi ng kanyang pagpapagamot.
Noong Lunes, nagdesisyon si Jackie na pagupitan na rin ang kanyang buhok bilang pakikisimpatya sa kanyang baby.

At kung noon ay puro nega ang nababasa namin patungkol kay Jackie at sa kanyang mga anak na sina Andrei at Kobe Paras, ngayon ay puro pakikisimpatya ang natatanggap niya para sa kanyang anak.

At tulad ng mga taong nagmamalasakit sa kanya, ipinagdarasal din namin na sana’y mabuhay pa nang matagal ang kanyang baby.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending