Pauleen: Gusto kong tumahimik na lang! | Bandera

Pauleen: Gusto kong tumahimik na lang!

|December 27,2011
facebook
share this

Pauleen: Gusto kong tumahimik na lang!

- December 27, 2011 - 02:46 PM

Sa napapabalitang relasyon nila ni Bossing Vic

MAS marami pa rin ang naniniwala na magdyowa na talaga sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Halatang-halata raw kasi na super happy ngayon si Pauleen lalo na kapag napapanood nila ito sa noontime show na Eat Bulaga.

Ayon sa  usap-usapan, nagsisimula pa lang daw ang relasyon nina Bossing at Pauleen, kaya dedma lang daw ang dalawa sa issue.

At dahil wala naman silang diretsahang pagdedenay, at wala rin namang pagkumpirma tungkol sa kanilang relasyon, mas naniniwala kaming meron ngang itinatago ang dalawang hosts ng Eat Bulaga.

Sa isang TV interview, mismong ang mga kasamahan nina Bossing at Pauleen sa Eat Bulaga ang nagsalita about their rumored romance. Say ni Ruby Rodriguez, “Isa ako sa hindi nangingialam.

Ganito lang yan kasimple, kung saan masaya si Poleng du’n ako masaya. So kung anuman at sinuman iyon, masaya ako for her.”

Ang chika naman ni Allan K, “Ako kung saan happy si Poleng, happy na rin ako. Basta happy ang mga friends ko, happy rin ako.”Last Saturday sa Startalk, nakiusap naman si Pauleen na sana’y huwag nang palakihin ang issue sa kanila ni Vic, “For me lang, whatever it is, kung meron or wala, parang I just wanna keep things private. I wanna keep things private first.

I wanna keep things private kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, I think I owe it to myself.”

Dagdag pa ng TV host-actress, “Deadma na lang! Kasi I know naman, alam naman namin kung ano talaga yung nangyayari. Kasi as long as you know.

As a person, I know the truth. You know the truth, kung anuman ‘yung pinagdadaanan, dapat hindi ka naaapektuhan ng mga ibang tao.”

Nilinaw din ni Pauleen ang mga naglalabasang kuwento ng madalas siyang regaluhan ng mga expensive na bagay ni Bossing,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No that’s not true, it’s not true,” kasabay ng pagsasabing wala pa nga raw siyang natatanggap na Christmas gift from Vic.

Dagdag pa ni Poleng, “I just wanna keep quiet now. I don’t think naman na I owe anybody an explanation and like I’ve said, whatever is going on in my personal life I wanna keep it to myself.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending