IT’S now final na magsasama na sa TV screen muli sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Originally, si Rhian Ramos ang leading lady ni Dingdong sa seryeng My Beloved nmg GMA. Kaya lang, nagkaproblema nga si Rhian dahil sa kanyang magulong pakikipagrelasyon kay Mo Twister. Ayun, biglang napalitan si Rhian ni Marian.
Obvious namang second choice lang si Marianita but she doesn’t seem to care. Siyempre nga naman, si Papa Dingdong naman ang kanyang kasama kaya wala siyang keber kung second or third choice lang siya.
Ang mahalaga, magkakatambal sila muli ng kanyang boyfriend.
Pero hindi rin kaya naiisip ni Marianita na possible ring isipin ng ilang tao na sinulot niya ang role ni Rhian? Na gumawa siya ng paraan para mapasakanya ang lead role sa My Beloved?
But knowing Marian,wala na siyang paki rito. She could only laugh at this issue since she’s not the type who will make a big fuss out of it.
Speaking of Rhian Ramos, marami kaming nakakausap na halos isumpa na talaga si Mo Twister dahil sa pinaggagagawa nito kay Rhian.
Kahit na nga nag-deny nang hindi raw siya ang nagpakalat ng bagong video scandal nila ng Kapuso actress ay walang naniniwala sa kanya.
Mas lamang pa rin ang kumakampi kay Rhian kesa kay DJ Mo.
Awang-awa kay Rhian ang ilang nakakachika namin, sayang na sayang nga naman daw ang career nito na nawasak lang nang dahil sa isang lalaki. Tama lang daw na magpahinga muna si Rhian sa showbiz para magpalamig.
Medyo matatagalan pa siguro bago makalimutan ng mga tao ang issue sa kanila ni DJ Mo.
Pero ang gustong mangyari ng mga taong nagmamalasakit kay Rhian, sana raw ay bumalik agad si Mo Twister sa Pilipinas para harapin ang mga kasong isinampa sa kanya ng kampo ni Rhian. Ngayon daw siya magmatapang para magkaalaman na.
At ito pa, may nakausap din akong super fan ni Rhian na gusto raw talagang ipakulan si Mo dahil sa pananakit niya sa aktres. Hindi ko lang alam kung paanong pangkukulam ang gagawin niya sa TV host! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.