Bistek na-stress kay Kris; 2 anak lalayas sa Pinas
May nakarating na tsika sa amin na sobrang stress daw ngayon si Quezon City Mayor Herbert Bautista simula nang aminin ni Kris Aquino sa na “work in progress” ang relasyon nila ni Bistek.
Kaya raw na-stress si Mayor Bistek ay sobrang dami raw ng bashers nila at kung anu-ano pang violent reaksyon na hindi maganda mula sa mga taong nasa paligid niya.
Say ng aming source, “Sobrang stress siya ngayon so I don’t know what’s next.” Dagdag naman ng taong concerned sa mga anak ni Herbert na sina Athena at Harvey, “Napanood nu’ng dalawang bata ‘yung pag-amin ni Kris, nag-iiyak sila kaya gusto na nilang umalis ng Pilipinas agad-agad, nag-empake na nga.”
Kinumusta namin kung ano reaksyon ng nanay ng mga anak ni Herbert na si Tates Gana na kung hindi kami nagkakamali ay sing-edad ng panganay nila ang taon nilang pagsasama, “Wala naman, hindi naman kumikibo ‘yun, kung anong plano ng mga anak, ‘yun ang susundin niya,” katwiran sa amin.
( Photo credit to herbertfanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.