Wowie gusto uling makatambal si Juday | Bandera

Wowie gusto uling makatambal si Juday

Ervin Santiago - April 06, 2014 - 03:00 AM


Gustung-gusto ni Wowie de Guzman na magkatrabaho uli sila ng dati niyang ka-loveteam na si Judy Ann Santos. In fairness, isa ang tambalang Wowie-Juday sa talagang tinilian at pinagkaguluhan noong dakada 90.

Nagkasama sila sa mga soap opera na Mara Clara at Esperanza. Sey ni Wowie, isang malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho uli ang misis ni Ryan Agoncillo.

“Kahit naman ano (project), anytime basta tatawagan ako. Wala namang problema. Kahit ano po  basta makasama ko siya, walang problema,” sabi ng dancer-actor nang makachika ng entertainment press sa event ng Neurobion (kilalang gamot para sa nerve damage) kamakailan sa Trinoma.

“Of course na-miss ko talaga, ‘yung trabaho na everyday ko siyang nakakasama at ‘yung nakukuha ko na atensyon sa mga tao lalo pag pinapanood ‘yung mga projects na ginagawa namin na talagang makikita mo naman ‘yung impact sa mga tao,” sey ni Wowie na wala pa ring kupas sa pagsasayaw.

Isa kasi ang Universal Motion Dancers kung saan isa siya sa mga original members, kasama si James Salas, ang nag-perform sa dance concert na in-organize ng Neurobion para sa kanilang Neuropathy Awareness campaign (Feel Ko Ang Buhay).

Kasama rin dito si Sexbomb Dancer Jopay Paguia at boyfriend nitong si Joshua Zamora na member naman dati ng Maneouvers.
Isang reunion dance concert nga ang naganap sa Trinoma kung saan tumulong sila para mapalaganap pa ang kaalaman ng mga Pinoy tungkol sa nerve damage.

Matagal nang kampanya ito ng tabletang Neurobion dahil naniniwala ang mga taong nasa likod ng gamot na ito na kayang-kayang maiwasan ang neuropathy, o ang nararamdamang sakit at kirot sa iba’t ibang parte ng katawan.

Going back to Wowie, inamin din nito na wala na silang komunikasyon ni Juday, ang huling pag-uusap daw nila ay nine or 10 years ago pa.

Sa ngayon, may sarili na ring pamilya si Wowie, “I’m married at kakapanganak lang ng asawa ko actually. I’m also busy sa mga special events like this (Neurobion), pati sa mga stage plays. Minsan may mga TV guesting din.”

Anyway, kung may tanong kayo tungkol sa Neurobion, call lang kayo sa Merck Inc., Philippines (815-4067).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending