Isang open letter para kay P-Noy | Bandera

Isang open letter para kay P-Noy

Jobert Sucaldito - April 03, 2014 - 03:00 AM


NAGDESISYON na kaming gumawa ng hakbang para sa kapakanan hindi lamang ni Gov. ER Ejercito kundi pati na rin sa iba pang public servants na pinagdidiskitahan ng kasalukuyang administrasyon.

Ito’y para na rin maiparating sa pangulo ang napakarami naming hinaing. Narito po.
“An open to P-Noy!
Dear Mr. President,
Greetings!
“Honestly, nanghiram ako ng konting lakas ng loob sa tatlong bote ng beer para maiparating sa iyo itong aking munting hinaing. Hindi kasi showbiz ang isyung aking imumungkahi sa inyo kungdi me konting tonong pulitika.

I am just hoping that this reaches you at mabasa mo ito kahit paano. “I maybe a little personal about this dahil this involves one very important personality sa buhay ko – sa buhay naming mga entertainment writers and many others – ang sobrang mahal naming artista at public servant na si Jeorge Estregan a.k.a. Laguna Gov. ER Ejercito.

“For years ay nakasama namin ang kaibigan naming ito and we know in our hearts kung gaano siya kabuiting tao, kung gaano siya kagalang, kasipag, kamarespeto sa mga damdamin namin – kung gaano siya ka-mapagmahal at mapag-arugang public servant sa kaniyang sinasakupan.

Ang tanging maikukutya lang namin sa kaniya ay ang palaging ‘LATE’ sa aming mga appointments pero justified naman ito in a way dahil he is a very hands-on politician.

“Masyado kasing masipag at very personal sa kaniyang pag-aasikaso sa bawat residente ng kaniyang lalawigan. Siya kasi ang tipong won’t delegate anything na ipinamumudmod sa kaniyang kinasasakupan – bigas, scholarship grants, medicines, etcetera – kung limang libo ang pagbibigyan ng anumang benepisyo sa lalawigan ng Laguna, siya ang mismong nag-aabot hanggang sa kahuli-hulihang recipient nito kaya siya nahuhuli sa kaniya mga susunod na lakad.

“We would scold him for this (as concerned friends) once in a while pero compared naman sa mga hindi mabilang na ‘criminals’ in local politics, we would take him anytime with all our hearts dahil napakahusay niyang ama ng kanilang lalawigan.

“We may not be from Laguna pero natututukan namin ito for the longest time and we are very happy with how he has helped boost Laguna, making it one of the country’s formidable tourist destinations – a prime province indeed! Sa sobrang sipag ng taong ito, madalas ngang naku-confine iyan sa iba’t ibang medical facilities and I am privy to this.

“Each one of us may have different political views, may agree on some and may not on a few. Tulad na lang nu’ng panahon ng Marcoses – we all wanted a CHANGE sa mukha ng Philippine politics.

We were one with you sa pagmartsa sa EDSA during the so-called Bloodless Revolution in the ’80s and were so glad that your mom, the late Tita Cory (former President Corazon C. Aquino) came to power.

She showed us so much compassion – helped us realize the true meaning of religion and all. She may not be the best president this country ever had but at least she tried.

“We may not expect that from you one hundred per cent, but at the least, we expect a little of Tita Cory from you because you are her son and our father.

We have so much respect for your office and we’d also like to extend that respect sa iyong persona. But of course, just like any kid, we also have questions na nais naming itanong sa inyo.

The many ‘whys’ dito sa bansa natin and your valid answers to all these. “Nalulungkot lang kami sobra sa klase ng ‘politics’ ng iyong administrasyon. No offense meant pero there are many things na napapansin namin.

Alam naman naming it’s not easy to become president – the responsibilities of being the father of the land. Pero we see so many loose facts – after the many leaders na dumaan sa buhay natin, parang ngayon lang namin naramdaman ang sobrang pamumulitika.

“Lalo na rito sa kaso ng mahal naming si Gov. ER Ejercito, we are just wondering why you seem to be so hard on him. Aware naman po kami na ang minamanok ninyo last gobernatorial election ay si Egay San Luis who used to hold that seat sa Laguna pero nung matalo ito kay Gov. ER, napansin naming parang hindi ninyo ito matanggap.

“And napansin din naming hinahanapan ng inyong administrasyon ng butas ang mahal naming kaibigan para pahirapan ito – para matanggal ito sa puwesto and all.

“Yes, a case of overspending last campaign ang ipinupukol ninyong kaso sa kaniya and looks like gusto ninyong madaliing maalis siya sa puwesto para ang nakaupong Vice-Governor (Hon. Ramil Hernandez) ang maluklok sa puwesto dahil ito ang kaalyado ni G. Egay San Luis na natalo ni Gov. ER na ikinampanya po ninyo.

“Malinaw po sa batas na P3 lamang ang dapat ilaang pondo ng isang kandidato like Gov. ER sa kampanya and in fairness to him, nakita naman natin sa papel na hindi siya lumabag sa nasabing batas.

Sa 1.5 million voters ng Laguna at P3 each ay P4.5 million ang maximum nitong dapat gastusin and maliwanag namang naisumite ng kaniyang opisina that he has only spent P4.1 million – P400,000 short sa allowed na maximum amount and the rest of the campaign placements came from donations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You are a politician too and you know kung papaano pumapasok ang donations sa kampanyahan.” “Nu’ng nagkagulo sa PDAF scam kung saan tinira ni Sen. Jinggoy Estrada ang members ng cabinet po ninyo during a privilege speech, the very next day ay sinampulan niyo agad si Gov. ER having Comelec announced that he is being sued dala ng sinasabi ninyong overspending case na ito.”
May karugtong bukas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending