Mag-aasawa, di mag-aasawa | Bandera

Mag-aasawa, di mag-aasawa

Joseph Greenfield - April 02, 2014 - 03:11 AM

Sulat mula kay Eli,  ng Batan, Aklan
Dear Sir Greenfield,
Gusto ko nang mag-asawa pero ayaw ko pa dahil wala akong trabaho.  Wala akong pambili ng pagkain para sa asawa ko at ako naman, sa edad kong ito, ay nakikikain lang sa pamilya ko.  Marami akong kamag-anak at ayaw kong matulad sa kanila na nag-aaway-away dahil sa pagkain.  Napakahirap talaga ng buhay ngayon at ayaw kong mabilang ako sa ilan na nanghihingi ng pagkain sa mga kamag-anak.  Kung ipipilit kong mag-asawa, paano na lang kung magkaanak kami?  Paano na ang kanyang gatas, pagkain, ang kanyang paglaki’t pag-aaral?  Ngayon, isa lang ang kailangan ko: trabaho.  Kailan kaya ako magkakatrabaho?  Ipinanganak ako noong Enero 11, 1985 at May 11, 1986 ang girlfriend ko.  Compatible ba kami?
Umaasa,
Eli, ng Batan, Aklan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Babae sa iyong Fate Line kaya ang nasabing Fate Line ay ganap na luminaw  (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa tulong ng iyong girlfriend o babaeng mapapangasawa mas madaling uunlad at yayabong ang iyong career. Kaya ang pinakamabuti mong gawin, sumunod ka sa mga ipinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, sa ganong paraan ka uunlad at magiging maligaya.
Cartomancy:  
King of Spades, King of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing hindi sa pagiging binata ka uunlad, yayaman at magiging maligaya kundi sa pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya. Ibig sabihin, kung naghirap ang mga kapatid at kaibigan mo noong sila’y nag-asawa, hindi ganoon o kabaligtaran nila ang mangyayari sa iyo. Sa halip, sa pag-aasawa ka yayaman at uunlad.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending