Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 p.m. San Miguel Beer vs. Rain Or Shine
Team Standings: Talk ‘N Text (4-0); SanMig (2-0); Meralco (2-1); San Miguel Beer (2-1); Air21 (2-2); Alaska (2-3); Rain or Shine (1-1); Barangay Ginebra (1-2); Barako Bull (1-3); GlobalPort (0-4)
DALAWANG uri ng pagbangon ang puntirya ng San Miguel Beer sa pagtutunggali nila ng Rain Or Shine sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nais ng Beermen na makabawi sa 107-99 pagkatalong sinapit nila sa nangungunang Talk ‘N Text noong Biyernes. Sa larong iyon ay naunsiyami ang pagpupugay ni Kevin Jones na humalili kay Joshua Boone na naghatid sa Beermen sa dalawang sunod na panalo kontra Meralco at Barangay Ginebra kahit pa sinasabing wala siya sa kundisyon.
Nais din ng beermen na makapaghiganti sa Rain Or Shine na tumalo sa koonang noon ay tinawag na Petron Blaze sa semis ng nakaraang Philippine Cup, 4-1.
Ang Rain or Shine, na sumegunda sa SanMig Coffee sa Philippine Cup, ay nadiskaril sa unang laro nito nang matalo sa Barako Bull, 110-106. Nakabawi sila sa pamamagitan ng 92-78 panalo laban sa defending champiion Alaska Milk.
Sa larong iyon ay gumawa ng 24 puntos si Jeff Chan na pumuno sa pagkukulang ng import na si Alex McLean na nagtala ng 19 puntos.
Sa kabila nito, sinabi ni coach Joseller “Yeng” Guiao na si McLean ay isang “solid, fundamentally sound player.’’ “He’s not athletic but we can survive if he scores in the 20s and rebounds well,” dagdag ni Guiao patungkol kay McLean na inirekomenda sa kanila ng dati nilang import na si Arizona Reid.
Ang Elasto Painters ay binubuhat din nina Gabe Norwood, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Arana. Bukod sa pagpapalit ng pangalan, nagkaroon din ng pagbabago sa manlalaro ang Beermen nang kunin nila sina Solomon Mercado at Rico Maierhofer kapalit nina Jason Deutchmann at Alex Cabagnot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.