DAHIL sa maikli at mabilis ang elimination round ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup na matatapos sa Abril 20, natural na ang kaisipan ng karamihan ay mahirap magpalit basta-basta ng import ang isang koponan kung masagwa ang naging umpisa ng kampanya nito.
Mahirap maghanap at makakita kaagad ng available talent. Kung mayroon man, hindi tiyak kung makakarating ito kaagad sa Pilipinas. Kung makakarating agad, hindi tiyak kung nasa kundisyon dahil baka imbes na mapabuti ang pagpapalit ay mapasama pa.
Hindi nga ba’t nagpalit ng import ang San Miguel Beer matapos na ihatid sila ni Oscar Joshua Boone sa dalawang panalo. Ayon sa coaching staff ay wala sa kundisyon si Boone at baka hindi malayo ang marating ng Beermen.
Kaya kinuha nila si Stacy Jones na pinalaro kontra sa Talk ‘N Text nooong Biyernes. Hayun at natalo ang Beermen! Hangad ng Beermen na makabawi mamaya kontra Rain Or Shine para ma-justufy ang pagpapalit.
Pero teka, hindi lang naman San Miguel ang nagpalit o magpapalit, e. Marami pang ibang PBA teams ang magpapalit ng import. Sa aking pakikipag-usap sa ilang team insiders, aba’t may tatlong teams na magpaparating ng kapalit sa linggong ito.
At hindi ito basta-basta spur of the moment changes. Mga naka-stand-by ang papalit sa kanilang existing import. Ibig sabihin, hindi lang isa o dalawa ang kinontak ng isang koponan bago nag-umpisa ang Commissioner’s Cup.
Dahil nga sa maikli ang elims, siniguro ng mga teams na may back-up plan sila. Kumuha sila ng import at pinaglaro sa umpisa ng torneo. Sakaling palpak, pararatingin nila ang naka-stand-by na import.
Dalawa sa naka-stand-by na import ay sina Gabe Freeman at Darnell Jackson. Kilala na ng lahat si Freeman dahil sa nakapaglaro na ito ng ilang beses sa PBA. Mahusay at masipag ang import na ito.
Ang problema lang ay undersized ito. Sa format ng kasalukuyang torneo, ang unang walong koponan sa nakaraang Philippine Cup ay may import na 6-9 ang limit.
Ang last two teams (Meralco at Air21) at pinayagang kumuha ng 6-11. Kahit saan team pumasok si Freeman, tiyak na maliit siya. So ang tiyak na ang tanong ay kung uubra siyang makipagduwelo sa mga higante?
Si Jackson naman ay isang lehitimong beterano ng National Basketball Association. Siya ay pinili ng Miami Heat bilang 52nd selection sa 2006 Draft pero sa Indiana Pacers siya nakapaglaro.
In shape daw ang player na ito dahil sa naglalaro ito sa Chinese Basketball League at anytime ay puwedeng lumipad patungo sa Pilipinas. At least dalawang teams ang interesado sa kanyang serbisyo.
I’m sure na ang ibang teams na medyo tagilid ang performance ay nakapaghanda na rin ng sarili nilang plano. Hindi naman sila basta-basta magpapatalo, e.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.