Kailan dapat palitan ang brake pad?
Para sa tanong ng ating texter ….. 7899, walang paghihigpit o pagluluwag na magagawa sa front brake ng isang motorsiklo na gawa ng isang respetadong Japanese brand. Ito ay dahil ang gamit dito ay hydraulic disc.
Ang kailangang tignan ay ang kable at kung tama pa ang dami ng brake fluid. Kailangan ding tingnan ang mga brake pad at dapat itong isaisip ng gumagamit kung kailan dapat suriin upang makita kung dapat nang palitan.
Kung ang araw-araw na biyahe ng motorsiklo ay bahay-trabaho, tatagal ang brake pad ng isang taon. Wala namang tibay na maaasahan sa mga substandard at imitation na pad.
May mga pagkakataon din na natatanggal ang bakal nito kaya nasisira ang mekanismo ng preno. Ang mga genuine at manufacturer-recommended replacement naman ay tumatagal ng dalawang taon.
Madaling mapudpod ang pad kapag madalas dumaraan sa basa at maalikabok na kalsada. Syempre nahihirapan din ang preno kung palaging overloaded ang sasakyan.
May pagkakataon din na ang isang bahagi lamang ng preno ang napupudpod at ang isa ay hindi. Sa ganitong pagkakataon, huwag magtipid, kailangan na sabay palitan ang brake pad dahil makakaapekto ito sa brake system.
Dapat ding tignan kung mayroong tagal ang brake fluid. Mapapansin ito kung mabilis na bumaba ang lebel ng fluid. Hindi dapat bumaba ang lebel ng brake fluid sa low o minimum mark.
Gumamit din ng brake fluid na DOT3 at DOT 4. Kung may makikitang tagas, agad itong ipaayos dahil delikado ito lalo na kung pababa ang kalsada.
Mahalagang bahagi ng motorsiklo ang preno kaya hindi ito maaaring ipagwalang-bahala. Kapag pinasok ng hangin ang brake system, kailangan itong palabasin ng mekaniko. Hindi gagana ng maayos ang preno kapag mayroong hangin sa loob nito.
MOTORISTA
Rouser
MAY review ba kayo about Bajaj’s Rouser? I wanna buy one but I wanna know its weakness(es).
…9827
BANDERA
MACHO ang porma, pero mahina sa hatawan. Mukhang hindi siya dinesenyo sa hatawan at bugbugan sa araw-araw na gamit. Matibay pa rin sa bugbugan ang Barako.
Marahil, tulad ng maraming motorsiklo, kailangan ng Rouser ng alaga. Pero ang macho ay pangsabak at gulpihan. Mabigat ang Rouser sa singitan sa trapik at tumitirik din sa baha.
Malaki ang turning radius ng Rouser. Malikot ang balanse ng Rouser sa sharp corners at tight strips.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769.
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.