Paulo pineke para saktan at ipahiya si LJ Reyes
NA-HACK daw ang Twitter account ni Paulo Avelino. Hindi raw siya ang nag-post ng mga messages patungkol sa pagkakait ni LJ Reyes sa kanilang anak.
‘Yan ang nakakalokang explanation ng kampo ng aktor. So, hindi pala si Paulo ang magsulat ng messages kay LJ, ibang tao raw ‘yon.Yes, may ganoong drama ngayon ang camp ni Paolo.
Ang tanong, sino ang nag-hack ng Twitter account ng hunk actor? At bakit parang ang dami niyang alam tungkol sa actor? Bakit alam niya ang hindi pagpayag ni LJ na makita ang anak nila?
At bakit pati yaya ng anak nila ay tila kilala ng nang-hack? Sa ngayon daw ay naibalik na kay Paulo ang kanyang Twitter account. Binago na lang daw niya ang password.
We feel na hindi totoong na-hack ang account ni Paulo. Siya mismo, sa tingin namin, ang talagang nag-tweet kay LJ.
True enough, maging ang netizens ay hindi naniniwala sa alibi ng camp ni Paulo.
One guy even called it, “Maang-maangan school of hacking.” “Wow ha?! Kapag naging nega ang image da netizens ang excuse: na-hack ang account???!!! Tsk tsk! Akala kc ni Paulo he will gain sympathy sa ginawa nia.
Kabaligtaran tuloy ang nagyari! Har har har.” “Ang corny naman ng hacker na yan kung yan ang pinagpopost. Isip isip pa ng ibang palusot. Or mas maganda kung isip isip muna bago nagpost.”
“Damage control to! And I don’t buy it! Think before you tweet! Sinisi pa ang hackers! Utot mo!” Those were the anti-Paulo rants that we read sa isang popular website.
Bakit nga ba convenient excuse ng ilang artista ang katagang na-hack ang account nila?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.