Maui, Katya naloko sa Dubai | Bandera

Maui, Katya naloko sa Dubai

Jobert Sucaldito - March 18, 2014 - 03:00 AM


I READ a post from Maui Taylor’s relative sa Facebook complaining this show promoter named Lito Go na nanloko raw diumano kina Maui and Katya Santos sa recent show nila sa Dubai last March 16.

Hindi raw binayaran ng said promoter ang dalawang Pinay artists natin and worse – wala pa silang place tickets pabalik na Pilipinas. Hindi pa namin naririnig ang side ng nasabing show promoter kaya huwag na muna natin siyang husgahan.

Pero kung totoo nga ang balita, nakakaawa naman ang dalawa nating sexy stars. Pero wait lang, meron lang akong few questions na nais ibato kina Maui and Katya.

Kasi nga, sa tinagal-tagal na nila sa industriyang ito, bakit sila pumayag na hindi fully paid before they left for Dubai and bakit hindi nila sinigurong hawak ang round-trip tickets nila bago sila lumipad papunta roon.

In a way, kasalanan din nila ito, if you were to ask me. Sa dinami-dami na ng karanasan nila as far as performance bookings are concerned, hindi pa ba sila natuto?

Merong SOP ang mga managers sa industriya natin and it has been practiced even long before Martial Law was proclaimed in this country. In short, matagal nang practice ito amongst artists most especially sa mga out of town or out of the country shows. Kahit maliit na manager lang ako, I know that and I am very careful with contracts.

Normally kasi, pag out of town ang shows, before we leave Manila ay fully paid na ang mga artists. Pag napakiusapan ko ang artists na doon na lang sa lugar na pagtatanghalan ang bayad sa balance nila, sagot ko ito.

Magkabulilyasuhan man with the producers, ako ang sasagot sa balanse nila. Kaya I always get the nod of talent managers. Nagbu-book din kasi ako ng local shows kaya alam ko iyan.

There was one time na hindi kami nabayaran ng balance dahil sa tiwala sa kaibigang nagpa-show, binayaran ko ang balanse ng artists ko. Mabuti na lang kamo at hindi gaanong malaki.

There are also shows na days before ay nagka-cancel dahil hindi nakabenta ng tickets kaya either I demand for cancellation fees or if not, forfeited na ang downpayments nila.

Lalo pa kung out of the country – full payments must be collected from the producers days before artists fly. At hawak na namin ang visas and plane tickets para anu’t anuman ang mangyari safe na ang mga performers.

I feel bad for them pero they’re partly to blame here. I don’t know kung ano talaga ang usapan nila ng said promoter na sinasabing nanuba sa kanila pero malaking problema nga ito on their part. Nagpabola sila at nagpabiktima.

No offense meant kina Maui and Katya pero I will cite some examples sa ibang not so active artists natin. Meron kaming nabatid na ibang performers na nagpapa-book sa ibang bansa like Japan for instance, kahit one way lang daw ang tickets nila basta ba meron lang silang pagtatanghalan doon (mahirap kasing makapasok doon) at pag nandoon na sila, sila na ang bahala sa buhay nila.

Magti-TNT na raw sila. Kasi nga, madali naman rumaket kapag nandoon ka na. Pero may ilang airlines or bansa na strict talaga sa entry mo sa kanila, they will check for your return flight tickets.

Lalo na yung merong mga visa. Paano nakalusot sina Maui and Katya sa bansang Dubai without a return ticket? Iyan ang pinagtatakhan ko. Puwede bang pumasok sa Dubai kahit one way lang ang ticket mo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I don’t know kung nakabalik na sila sa bansa pero knowing the two, kaya nilang dumiskarte sa kanilang pag-uwi. Hayaan ninyo, aalamin natin sa kanila ang buong istorya once they’re home na. Promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending