Ikalawang panalo tutumbukin ng Meralco, Alaska | Bandera

Ikalawang panalo tutumbukin ng Meralco, Alaska

Melvin Sarangay - March 15, 2014 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3:30 p.m. Rain or Shine vs Alaska
5:45 p.m. Meralco vs Globalport
Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Talk ‘N Text vs  Barako Bull
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs San Mig Coffee

IKALAWANG panalo ang sisikaping makuha ng Alaska Aces at Meralco Bolts sa pagsagupa sa magkahiwalay na mga katunggali sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-3:30 ng hapon ay makakasagupa ng nagtatanggol na kampeong Aces ang Rain or Shine Elasto Painters. Ang Alaska ay magmumula sa kabiguang ipinalasap ng Meralco, 85-76, noong Miyerkules.

Ang Aces (1-2) ay pinangungunahan ni 2013 Commissioner’s Cup Best Import Robert Dozier. Siya ay sinusuportahan naman nina Jayvee Casio, Cyrus Baguio, RJ Jazul, Gabby Espinas, Joachim Thoss at Calvin Abueva.

Pipilitin namang makabawi ng Rain or Shine matapos talunin ng Barako Bull, 110-106, noong Linggo. Sasandalan ng Elasto Painters (0-1) si Alexander McLean na makakatuwang sina Paul Lee, Jeffrei Chan, Beau Belga, Gabe Norwood at Raymond Almazan.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-5:45 ng hapon, tutumbukin ng Meralco ang ikalawang sunod na panalo laban sa dumadausdos na Globalport Batang Pier.

Ang Bolts (1-1) ay pinamumunuan ni Brian Butch at makakatulong niya sina Gary David, Reynel Hugnatan, Cliff Hodge at AJ Mandani.

Ang Globalport (0-3) ay sasandal naman kina Evan Brock, Jay Washington, Alex Cabagnot, Terrence Romeo, RR Garcia, Mark Macapagal at Justin Chua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending