ISANG coalition ng mga personalidad na hindi mo akalaing magsasama-sama ang binubuo. May mga pauna nang pag-uusap at ang kailangan na lamang gawin ay isa-pormal ito.
It’s a gathering, an alliance that is unlikely. But then again, in politics, especially in the Philippine, everything is likely. Nothing is impossible as long as common interests dictate the sway of the tides.
Unang pangalan sa coalition na ito ay walang iba kundi si Vice President Jejomar Binay. Papaalis na siya sa PDP-Laban na matagal na niyang kinabibilangan.
Inaasahan na talagang siya ay bubuo ng kanyang sariling puwersa bilang paghahanda sa 2016 presidential elections.
Walang bagong mukha o bagong pangalan o bagong dugo sa inaasahang mabubuong coalition, ayon na rin sa paglilinaw sa amin ni Binay nang siya ay aming makapanayam. Maaring mangyari ang pagbuo ng coalition sa Hunyo.
Ayon sa nakausap kong malapit na malapit kay Binay na isa sa mga nasa likod ng kanyang kandidatura at kampanya noong 2010-elections, ang alyansang ito umano ay maaaring pagkakataon na para magsama ang mga puwersa o personalidad na nasa poder ni dating Pangulo Joseph Estrada at dating pangulo Fidel Ramos.
Ayon pa sa nakausap kong isa ring malaking personalidad sa pulitika, maaaring sina Ramos at Estrada mismo ay maaaring magkaroon ng hayagang pagkakaisa sa kauna-unahang pagkakataon para sa 2016 na ang pangunahing makikinabang ay ang kandidaturang isusulong ni Binay.
Yung alyansang Erap at Binay, dati na yun, may tampuhan man, nagka-ayos na din at tampuhang hindi magtatagal lalo na sa mga pinangangalagaang interes ng dalawa. Yung alyansang Ramos at Binay, hindi na rin bago yun, sa EDSA pa lamang maituturing na silang magkasama.
Yung Ramos at Estrada, kung magkakatotoo, maaring tingnan na isang kalakasan at kahinaan.
Kalakasan dahil sa nasa likod mo ang support system at political network ng dalawang dating pangulo na sabi ko nga kanina, unlikely allies sa pulitika.
Maraming nagawa si Ramos, habang di mapapasubalian na hanggang ngayon ay nananatiling popular si Erap.
Kahinaan dahil ang bawat administrasyong hinawakan ng dalawang pangulo ay hindi ligtas sa usapin ng katiwalian. Kahinaan dahil ito ang maaaring ipukol at ibato sa kanilang coalition na nagsusulong sa kandidatura ni Binay.
Binay, the vice president on his own has his strengths and weaknesses that no amount of coalition can push or pull victory or defeat.
Gaano man kalakas o kalawak ang coalition na kanilang mabubuo sa susunod na apat na buwan, ang pundasyon pa rin ng ikatitibay ng kanyang kandidatura ay nasa sa kanya pa ring kakayanan.
Makatutulong ang coalition ngunit sa dulo, siya pa rin ang produktong tatangklikin o tatanggihan ng taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.