Sorry na lang Jennylyn, Ate Vi mas boto kay Angel para kay Luis
Maligayang-maligaya si Angel Locsin sa muling pagkikita nila ng kanyang future mother-in-law na si Gov. Vilma Santos. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Luis Manzano ng litrato kasama ang dalawang Darna sa kanyang buhay.
Nilagyan ni Luis ng caption ang picture ng, “Having dinner with these 2 lovely ladies, the mommy and the girlfriend @therealangellocsin.” In fairness, napakaraming nag-like at nag-share ng nasabing larawan.
Marami ang nag-comment na feeling nila mas boto nga si Ate Vi kay Angel kesa sa ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado. Kitang-kita raw kasi nila sa itsura ng Star for All Season na gustung-gusto niya si Angel para sa anak.
At patunay diyan ang recent interview ng Tapatan ni Tunying kay Ate Vi kung saan binigyan niya ng rating na 9 out of 10 si Angel bilang future daughter in law.
“Isa siguro sa na-appreciate ko kay Angel, nakikita naman ng mga tao eh is matulungin. If there’s anything na pwede siya mag-share ng kanyang maiaabot na tulong kapag merong kalamidad, she’s always there.
And that’s a good sign. Kung papano niya alagaan, bigyan ng respeto yung tatay niya na may diprensya, importante ‘yun,” papuri ng gobernadora sa aktres.
Okay lang din daw sa actress-politician kung magpakasal na ang dalawa, “Wala naman problema, ‘di naman ako ang makikisama. Plus the fact na ‘di na bago si Angel, at least I know they are back and maligaya sila sa isa’t isa, mas maligaya kami for them.” (Ervin Santiago)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.