Rookie PBA player type dyowain ni Cristine Reyes: Nakilala ko lang siya sa Instagram! | Bandera

Rookie PBA player type dyowain ni Cristine Reyes: Nakilala ko lang siya sa Instagram!

Ervin Santiago - March 04, 2014 - 03:00 AM

“TINGIN ko naman may pag-asa siya!” Ito ang diretsong pahayag ng Kapamilya actress na si Cristine Reyes sa manliligaw niyang PBA player. Ang tinutukoy namin ay ang rookie cager na si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas.

Sa huling presscon ng number one Primetime Bida series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Cristine, Paulo Avelino at bagong child wonder na si Raikko Mateo, inamin ng sexy actress na type niyang bigyan ng chance ang basketball player.

Ito’y sa kabila nga ng naging pahayag ni Cristine na gusto muna niyang maging single for a year or two.“Siguro kasi right now, baka ngayong time na ito, ganu’n na ang panliligaw.

Kasi, ‘di ba, ang usual ligaw, pupunta sa bahay? Naabutan ko pa kasi yun, yung pupunta sa bahay.“Laging nagte-text. Sabi ko nga, tanggapin na natin, wala na yatang ganun ‘ata.

‘Di pa siya nakakapunta sa bahay. Niyayaya niya ako mag-watch ng PBA, pero papasok pa lang siya ng PBA. Bata pa siya, e. Ako 25, siya 23 pa lang.”

“Nakilala ko lang siya sa Instagram. Kasi palagi siyang nagku-comment sa Instagram, ‘tapos lagi siyang nagse-send sa akin ng pictures. Pinakilala siya sa akin ni Vice (Ganda) e.

Pinapanood niya ang Honesto. Nakukyutan ako sa kanya lalo na pag nakikita ko yung mga posts niya, lagi niyang kasama yung little brother niya. Weakness ko kasi yung mabait sa mga bata,” esplika ng leading lady ni Paulo sa Honesto.

Sey pa ni Cristine, sana mapanindigan niya ang sinabi niyang maging single muna for a while, pero ano ang feeling niya kay Kevin bilang manliligaw, “Feeling ko mayroon, kasi mabait siya.

Pero ‘di ko sinasabing pag-asa na magiging boyfriend ko na agad. Kumbaga, yung qualities niya ay puwede. “Kasi nakikita ko na mabait siya, nakikita ko na totoo siyang tao.

Maghintay siya, pero sabi ko nga, ‘di mo masasabi kung darating. Malay n’yo may dumating at bigla akong ma-in love, ‘di ba?” chika pa ng sexy star.

Sey pa ni Cristine, maligaya naman siya ngayon being single, pero siyempre, iba pa rin daw yung may isang taong espesyal sa buhay mo. Kapag daw kasi single ka, wala kang tinitimbang, sarili mo lang ang iniintindi mo, at hawak mo ang oras mo,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masaya rin naman ang may partner kasi may inspirasyon ka. But now, ang daming trabaho kaya saan ko pa isisingit?”
Samantala, malungkot na masaya si Cristine sa nalalapit na pagtatapos ng Honesto, napakalaki raw talaga ng nagawa nito sa kanyang career pati na rin sa personal niyang buhay.

Sey ng aktres, dahil daw sa Honesto mas naintindihan niya at mas na-appreciate ang pagiging totoo at matapat. Dalawang linggo na lang sa ere ang Honesto at sinisiguro nina  Cristine at Paulo na marami pang dapat abangan ang manonood sa kanilang programa, at dapat daw abangan ng lahat ang ending ng kuwento ni Honesto dahil ito raw talaga ang pasabog na finale episode. Napapanood pa rin ang Honesto after TV Patrol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending