Ikalawang lalaki | Bandera

Ikalawang lalaki

Joseph Greenfield - March 03, 2014 - 02:03 PM

Sulat mula kay Lora ng President Roxas, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Ang akala ko ay buntis na ako.  Bagaman wala pa rin kaming anak ng asawa ko sa kabila ng apat na taon na pagsasama, hindi pa namin balak na magkaanak dahil sa labis na hirap ng buhay.  Nagpatawas ako at sinabi ng magtatawas na hindi ako buntis at hindi maaaring mabuntis ng lalaking hindi ko raw lubos na mahal.  Ang sabi pa ng magtatawas ay nagpapalipas-oras lang daw ang kinakasama ko ngayon.  Dahil dito, nagulo ang aking pag-iisip.  Parang gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya pero sinabi sa akin ng kinakasama ko na hindi siya makikipaghiwalay sa akin.  May edad ang kinakasama ko.  Ano ang dapat kong gawin?  July 11, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Lora ng President Roxas, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang nakikitang Marriage Line (Illustration 1., arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung ang boyfriend mo na kinakasama mo ang unang lalaking dumating sa iyong buhay, tiyak ang magaganap. Sa susunod pang mga panahon ay may ikalawang lalaki pang darating sa iyong buhay na siya na ngang makakatuluyan at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Cartomancy:
King of Spades, Jack of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing 10 buwan matapos ang buwan na ito ay mawawala na ang bisa ng gayuma na isinagawa sa iyo ng boyfriend mo upang minsan pa ay muli kang makakikilala ng lalaking halos kasing edad mo rin. Ang lalaking nabanggit ang siyang mapapangasawa at makakasama mo habambuhay.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending