Magkaka-anak ka | Bandera

Magkaka-anak ka

Joseph Greenfield - March 01, 2014 - 03:41 AM

Sulat mula kay Ermina, ng Banisilan, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Kung alam mo lang kung gaano na ako kasabik na magkaanak.  Anim na taon na kaming nagsasama ng mister ko, hindi pa rin kami makabuo.  Kinakantiayawan na kami ng dabarkads namin dahil kami na lang ang walang baby.  Gusto ko nang maranasan kung paano ang ma-nganak.  Inip na inip na rin ang mister ko.  Kailan ba ako mabubuntis?   Gusto ko nang mag-ampon ng anak ng kamag-anak ko, pero ayaw ito ng mister ko dahil wala raw itong dugo niya.  Magkakaanak ba ako?  Kailan?  April 19, 1979 ang birthday ko at January 29, 1981 ang mister ko.
Umaasa,
Ermina, ng Banisilan, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May namataang malinaw na Children Line (Illustration 1. Arrow 1 at 2.) sa iyong palad.
Kaya nga sa kasalukuyan, hindi ka dapat kabahan na hindi ka magkaka-baby. Sa halip, tiyak ang magaganap ngayon taon, mabubuntis ka at malusog na lalaking sanggol ang isisilang mo.
Cartomancy:
Three of Hearts, Jack of Diamonds at Three of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Tulad ng nasabi na, ngayon taon, malusog na lalaking sanggol ang isisilang mo at pagdating na pagdatin niya sa iyong pamilya, maraming magagandang kapalaran ang inyong matatanggap na may kaugnayan sa materyal na bagay.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending